G: ui! Ano ka ba! ang tagal mo! Nagugutom na ako!
C: oo teka lang! parating na ako!
Hinihingal pa si Colin ng kaniyang maabutan si Grace sa labas ng kanilang building.
C: kinausap lang kasi ako ni sir tungkol sa project namin kaya ako natagalan ng onti.
Kinuha niya ang panyo mula sa kaniyang bag at dahan dahang pinunasan ang tumatagaktak na pawis sa kaniyang mukha.
G: natagalan ng onti huh? Sa bagay 30 MINUTES lang naman ako naghintay.. pinaka matagal na sa iyo ang ISANG ORAS. Sandali lang naman un eh… dba?!
C: hehehe… pasensya na talaga X_X!
G: ok fine fine. total ikaw naman manlilibre sakin ng lunch ngayon eh dba? *grabs Collin's hands* Tara na!
C: ui! Teka! Wala akong~
Tutol ni Colin. Ngunit hila hila na ni Grace si Collin. Wala na itong nagawa kundi ang sumunod na lamang dito. Pagkarating ng cafeteria, naabutan nilang masayang nag-uusapa ang dalawa pa nilang kaibigan: sina Anna at Mae.
A: ui! Kilala nio ba ung Ken Ong?
Masayang nagkekwentuhan si Anna at Mae habang hinihintay sina Collin at Grace. Hawak hawak ang isang libro, sinagot ni Mae si Anna.
M: hindi. Sino na naman ba yang lalakeng yan huh Anna? Bago mong prospect? Ang dami mo namang prospect!
Si Anna ang pinakamatalino sa grupo. Ang nakabibilib dito, maloko siya ngunit na-mamantain niya ang mataas niyang grades. Kasali siya sa isang banda at isa siya sa mga sikat na officer sa kanilang Student Council. Sa kanilang apat, si Mae naman ang pinakamasipag mag-aral. Lagi siya nakasubsob sa pag-aaral at mahilig siya magbasa ng libro. Masyado siyang seryoso sa buhay. Ngunit mabait siya. Hindi mo akalaing magiging kabarkada nina Grace si Mae dahil siya lamang ang masasabi mong PINAKA TAO sa kanila. Si Colin naman ang pinakamakikay sa kanilang apat. Laging may dalang make-up kit sa tabi. Sigh, di makukumpleto ang araw niya pag hindi niya dala ang mga iyon. At napaka-conscious niyang tao. Ito namang si Grace, ang ating bida, ang isa sa makulit, magulo at masayahin na tao. Habang tumatagal, mas makikilala pa natin ng husto si Grace sa kwentong ito.
G: sino ba yun? Ang malas naman niya dahil naging crush siya ni Anna.
Tanong at pabirong sabi ni Grace.
M: yo! Nandito na pala kayo.
C: hallow~!
A: Ang yabang mo Grace! Pag nakita mo yun tiyak kong magkakagusto ka rin sa kanya.
G: yea right. :|
A: alam niyo bang ang galing niyang mag-gitara at ang guapo guapo guapo talaga niya~!
kilig na kwento ni Anna.
M: ah, kaya naman pala naging crush ni Anna tong Ken na to eh. Parehong mahilig sa music.
A: Sikat siya sa campus natin at heartthrob din.
Kinikilig pa si Anna habang nagkekwento ito sa mga kaibigan niya.
A: promise Grace pag nakita mo siya magugustuhan mo din siya. Singkit siya noh! At alam ko naman na mahilig ka sa mga singkit at sa marurunong mag-gitara.
G: yea right. wala akong pakialam sa kanya dahil ang mga ganoong klase ng tao eh masyadong mayayabang. At isa pa, asa namang makikilala ko yun no? err. kumain na nga lang tayo!
A: teka teka~ siya na yata yung parating!
Sabay sabay na tumingin sina Colin, Mae at Grace.
M: no comment
Walang buhay na reaksyon ni Mae.
C: tama ka nga Anna! Ang guapo niya!
Kinikilig at nakatitig pa kay Ken ng ito ay sumang-ayon kay Anna.
A: Sabi ko sa inyo eh. Ikaw Grace, reaksyon mo?
G: yea, pogi nga. pero parang ang yabang eeh.
Ang tanging nasagot na lamang ni Grace.
HABANG PAPASOK NG CAFETERIA, si Ken kasama ng 3 niyang kabarkada/kabanda, ay nagtatawanan ng malakas.
K: mga dude! Alam niyo bang break na kami ni Celine?
pagmamalaking kinuwento ni Ken sa mga kasama nia.
Cs: eh pare bakit parang masaya ka pa ata?
Tanong ni Cris, ang bassist ng kanilang banda.
K: pano ba naman pare sakal na sakal na ako sa kanya. Masyadong selosa! Tama ba naman na papiliin ako kung ano ba ang mas importante kung siya o ung banda?!
Js:so, anong sagot mo?
Excited na tanong ni Justine. Si Justine ang backup vocal at guitarista rin nila ng kanilang banda.
K: bago ko sagutin ung tinanong niya sa akin, sabi niya na kung pipiliin ko ung banda ko, maghihiwalay na kami. Edi sabi ko ko hiwalay kung hiwalay! Madami pa naman akong pwedeng ipalit sa kanya na maganda eh. Diba Crom?
Tanong niya kay Crom, ang drummer ng kanilang grupo.
Cr: nice one dude! Tama yung ginawa mo. Pero sana di mo rin pinaglalaruan yung mga babae. Baka karmahin ka niyan dude.
Bakas sa sa tinig ng boses ni Crom ang concern nito sa kaibigan.
Palibhasa sa kanilang grupo, si Ken ang pinakababaero sa lahat. Nakakailang girlfriend siya sa loob ng isang buwan. 5? 6? Minsan naman ay fling fling lang. mga nakaka-10 na flings siya sa isang buwan. Pinaka mahaba na sa kanya ang isang lingo at isang araw. Para sa kanya may expiration date ang mga babae.
Masayang nagkekwentuhan sina Ken tungkol sa pakikipagbreak nito sa kaniyang ex. Lingid kaalaman nila, sila ay pinapanood nina Grace mula sa kalayuan.
C: narinig mo un Anna? Babaero siya! Di kayo bagay! Dapat bang pinagyayabang yung ganun? Nakakahiya kaya. Hindi nakakatuwa yung paglaruan niya tayong mga babae!
Pagalit na sinabi ni Collin. Palibhasa kasi ay galit ito sa mga 2timer… based on her experience kasi.
G: ay, babae ka pala?
C: ERR =|
A: nakaka-turnoff tuloy siya
M: tama si Collin, Anna. Makinig ka diyan sa bestfriend mo.
A: di naman ako obsessed sa kanya eh. Crush lang, kayo naman. Alam niyo naman na si Cedric lang ang laman ng puso ko~
Pakilig na sinabi naman ni Anna.
G: buti naman at alam mo. Baka isumbong ka na namin niyan kay Cedric mo dahil jan sa kahibangan mo.
A: ui! Wala naman ganyanan Grace… hehehe
G: oo na.. kung di lang kita love eh
Sabay kurot nito sa pisngi ni Anna.
G: tara kain na tayo!
Habang kumakain, biglang napansin ni Grace ang kaniyang crush. Napahinto ito sa pagkain. Kinikilig ito habang nakakatitig sa kaniyang crush.
Nakilala niya ang kaniyang crush sa isang Youth Camp. Tinulungan siya nito at siya ay na-crush at first sight sa kaniya. Ang pangalan niya ay Paul. Para kay Grace, nasa kanya na ang lahat ng katangiang hinahanap niya sa isang lalaki: marunong mag-gitara, singkit, mabait, matalino at may takot sa Diyos.
Napansin ng mga kasama niya ang biglang pagtahimik nito.
C: ui! Bakit biglang tahimik ka jan?
pangaasar na sabi ni Collin.
G: shh~! tinititigan ko lang si Paul!
M: eh? kaya naman pala eh.. pano kasi nandiyan si ‘soulmate’ niya.
G: tumahimik ka nga!
M: hahaha!
G: teka teka malapit na siya.. saan pupunta yun? wah.. bakit lumapit siya sa table nina Ken? NO. i mean, bakit KAUSAP niya sina Ken? nagtatawanan sila O_O
Pagtatakang tanong ni grace sa mga kaibigan niya.
A: baka naman magkakilala sila.
G: Siguro nga. Teka, bibili lang ako ng tubig huh.
Tumayo si Grace at masayang naglakad papunta sa counter. habang naglalakad ay nakatitig pa rin ito kay Paul. Nakatitig pa rin ito ng bigla niyang napansin na may lalaking humarang sa kaniyang harapan.
G: uhm.. *taptap*excuse me? pero may pila po at ako po nauna sayo sa pila. nasa likod ko po yung pila
Ngunit tila walang narinig ang lalaking nasa harap ni Grace. Ignore lamang ito at hindi pinapansin. nakailang tapik na sa kaniya si Grace ngunit tila wala lang ito sa taong nasa kaniyang harap.
G: aba~ ang bingi nito ah. Kanina ko pa siya tinatapik, ayaw pa rin akong pansinin! excuse me???
Hindi pa rin siya nilingon ng lalaking nasa kaniyang harapan. Hindi na nito napigilan ang pagka-irita at sinigawan niya ang lalaking nasa kaniyang harapan.
G: hoy! excuse me! bingi ka ba? Pwede bang pumila ka! Umalis ka nga diyan! Ayan o! di mo ba nakikitang may pila!
Pataray na sinabi ni Grace sa taong sumingit sa kaniyang harap. This time, narinig na ito ng lalaki. Tinignan siya nito ng masama. Laking gulat na lamang niya ng makita niya kung sino ang taong nasigawan at sumingit sa kaniya.
G: KEN?!
K: excuse me? who are you para sigawan ako? Pwede ba! kung gusto kong mauna sa iyo wala kang magagawa!
Paangas na sagot nito kay Grace. biglang uminit ang mukha (literal) at ulo ni Grace sa ginawa ni Ken.
G: aba! Mister na may tayu-tayong buhok, di ka ba marunong makaintindi ng salitang ‘please fall in line’? aba! Grumaduate ka ng walang alam?
Pang-iinsultong sinabi ni Grace na siya namang ikinaasar ni Ken. Muling bumanat si Ken.
K: WHAT?! Mister na tayu-tayo ang buhok? Teka, di mo ba ako nakikilala? Ako si Kenneth Ong! Ang pinaka-gwapo, heartthrob at magaling sa school na ito! Himala at di mo ata ako kilala! Taga bundok ka ba?!
G: ohh. sorry ha? hindi eh.
K: aba aba at sasagot ka pa ha? ano ba gusto mo? Away o gulo?
G: bading ka pala?
K: well, hindi ako pumapatol sa babae. ok? pero ikaw? wait, BABAE KA BA? mas mukha ka pa ngang lalaki sa akin eh!
G: oh puhlease Mr. Pineapple wannabe, pwede bang PUMILA KA NA? nagiging cause of commotion ka na dito eh! and stop arguing with me. kahit balig-baligtarin mo ang kwento, lalabas pa rin na ikaw ang mali!
Biglang tinulak ni Grace papalayo si Ken sa pila nito na siyang ikinagulat ng mga taong nanonood sa kanilang paligid, lalong lalo na si Ken.
G: BASTOS! prrft~! X(
Nang makapagbayad, agad itong bumalik sa kanilang table ng padabog. Samantalang si Ken naman ay hindi nakinig sa sinabi niya. Sumingit ito sa ibang pila. Walang nagawa ang kaawa-awang nilalang na nasingitan ni Ken kundi pasingitin ito. marahil natakot ito dahil sa nasaksihang pag-aaway nina Grace at Ken.
Pagkabalik ni Grace sa kanilang table..
G: !@#$ yang Ken n yan!
C: bakit? Anong nangyari?
A: maadami ngang nakakita sa inyong dalawa habang nag-aaway eh.
M: nakakahiya. Tsptsptsp
G: paano ba naman, sumngit bigla sa pila! at sa harap ko pa! ang ayos ayos ng pagkakasabi ko nung una, pero hindi niya ako pinapansin! how dare him! Bigla ba naman akong inangasan?! KYA~!
A: ang angas nga. buti nakayanan mo siyang labanan. yung iba kasi, hindi kayang gawin kay Ken yun. parang aso kung makasunod sa kaniya.
C: idol kita dude!
M: nakakahiya pa rin. Tsptsptsp.
G: paanong di ko siya lalabanan? eh sinabihan ba naman niya akong taga-bundok porket di ko siya kilala?! the NERVE! eh sa hindi ko nga naman kasi talaga kilala eh!
C: ang kapal pla ng mukha niya?
G: SOBRA!
A: sayang, gwapo pa naman sana siya. ganun pala ugali niya.
M: di naman kasi lahat ng guapo, mabait.
Tanging nasabi na lamang ni mae.
G: tama si Mae. SOBRANG TAMA!
M: nakakahiya pa rin. Tsptsptsp.
Bigla siyang napatingin sa table ni Ken. Nakita niyang tinitignan din siya nito kaya tinignan niya rin ito ng masama.
SA TABLE NINA KEN...
Cs: ang tapang nung babae dude!
JS: oo nga dude, nakita ko ung nangyari sa inyo. Kinakabahan nga ako kasi baka suntukin mo na ung babae. Ikaw pa naman yung taong ayaw inuutusan at sinisigawan. tsp.
P: pero pare mabait naman siya eh.
Pagtatangol ni paul.
K: MABAIT?! define MABAIT. Inaway niya ako kanina! mabait ba tawag doon?
Cr: bakit? Ano ba talagang nangyari?
K: kasi diba bibili dapat ako ng tubig? sinigawan ba naman ako. Edi nagalit ako.
Cs: o. eh bakit ka ba niya sinigawan?
K: kasi daw di ako nkapila. Sana sinabi nia un ng maayos. sinigawan nia ako eh.
Cr: pero sinabihan ka naman niya nung una ng maayos eh. hindi mo lang siguro narinig.
K: well, problema niya na yun dahil mahina boses niya kaya hindi ko marinig!
P: sana di mo na lang pinatulan..
Pagtatanggol pa rin ni Paul.
K: anong hindi papatulan? Eh sinabihan ba naman niya akong bakla?! At ako?! PINEAPPLE? The hell!
Cr: ah ganun? Ang sakit nun pare. i feel for you
Cs: pineapple?!
K: at eto pa! maraming nakarinig sa sinabi niya. nakakahiya!
Cs: sinabi mo pa..
natatawa ng nasabi ni cris.
K: pinagtatawanan mo ba ako Cris?
Cs: huh? *ehem* hindi ah!
Sabay biglang sumeryoso ang itsura ni Cris. Ngunit nagpipigil pa rin ito sa tawa.
K: bwisit talaga siya! Ang pangit naman niya! palibhasa TIBO!
Js, Cs, Cr, Paul: siya? tibo? talaga?
Sabay sabay na tanong nina Justine, Crom, Cris at Paul sa kaniya.
K: oo tibo siya!
Sabay tingin sa table nina Grace. nakita niyang tinitignan siya nito ng masama. Tinignan din niya ito ng masama.
I HATE YOU! HUMANDA KA SAKIN~!
0 comments:
Post a Comment