Friday, August 20, 2010

CHAPTER 3: Start of War

Nag-bell na at sabaysabay na silang pumasok sa kani-kanilang mga classroom. Bakas sa mukha ni Grace ang pagkayamot ng siya ay umupo. Laking gulat na lamang niya sa kaniyang nakita. Nakaupo malapit sa kaniyang kinauupuan si Ken. Nagulat din si Ken sa kaniyang nakita.

G: Sh.t talaga! Kaklase ko pala ungas tong na to! ano b naman to!
K: Bakit sa dinami dami ng tao, bakit siya pa naging kaklase ko?!

Hindi nagpapansinan ang dalawa. Damang-dama ang pagkailang sa pagitan ng dalawa. Pinipilit ni Ken pagkaabaalahan ang sarili niya sa ibang bagay, samantalang si Grace at nagtutulug-tulugan na lamang. Naputol ang tensyon sa pagitan ng dalawa ng biglang dumating ang kanilang Professor.

G: bahala na.. di naman siguro kami pagtatabihin sa klase eh
K: di ko na lng xa papancnin. Bahala na.

Pansamantalang nawala ang tensyon sa pagitan ng dalawa. Pareho silang busy sa pakikinig sa kanilang Prof. hindi nagtagal, nagpatawag ng estudyante ang kanilang Professor.

Prof: Who wants to try to answer the question on the board? Anyone?

Biglang nag-taas ng kamay si Ken.

K: sir!
Prof: ok, Mr. Ong.

Habang abala ang mga kaklase ni Grace sa pagsagot ng mahirap na equation sa kani-kanilang notebook, may iba din siyang bagay na pinagkaka-abalahan. Abala ito sa pag-doo-doodle kay Ken. May dalawang sungay, may matutulis na pangil, may buntot at may pangit na buhok. Ah- Sobra ang inis niya kay Ken. Hindi nagtagal at natapos din sa pagsagot si Ken.

Prof: I think there’s something wrong with your work, Mr. Ong?

Biglang natawa si Grace sa narinig.

G: hihi~ mali ang sagot! Pahiya ka ngayon!

Napansin ni Ken na siya ay pinagtatawanan ni Grace. Tinignan na lamang niya ito ng masama.

G: pahiya ka ano!
Prof: by the way, nice try Mr. Ong.

KRING~!

Mabilis ang daloy ng oras sa araw na iyon. Hindi din nagtagal ay nag-bell na. oras na upang gumala ang ating bida kasama ang kaniyang mga kaibigan.

G: o! saan naman tayo ngayon? Gusto niyo bang mag-mall na lang tayo?
A: sige tara na!

Hindi nila inaasahan na ang pag-punta nila sa Mall ay para na ring pag-punta sa impyerno [for Grace’s POV hehe]. Hindi nila inaasahan na makikita din nila sa araw na iyon si Ken.

M: diba kanina lang narinig natin siya na kakabreak lang niya sa ex niya?
A: oo nga!
C: mas hamak naman na mas maganda pa ako sa babaeng yan no!!
A: puede ba Collin? Tigilan mo na nga yan… pero totoo naman diba? Mas SEXY ako sa kaniya!
M,G: nyay~

Sa oras na iyon ay nakita din sila ni Ken.

K: ikaw na naman pangit?! Sinusundan mo ba ako? Yaan mo next time tayo na naman mag-dedate... IN YOUR DREAMS!
G: ha! ang kapal! Hindi ka na nahiya sa kasama mo! Ayusin mo nga yang ugali mo at wala tayo ngayon sa campus.
GF: honey? Who is she?
K: oh, Honey, this is my *ehem* BESTFRIEND.

May diin sa salitang “Bestfriend” ng ito ay kaniyang sinabi.

G: best enemy kamo!
K: ….. PANGIT. And Pangit, this is my GF, Shayne.
GF: Pangit ba talaga name niya?
K: oh yes Deary.
GF: sa bagay, itsura pa lang niya eh.. hahahaha!

Biglang tahimik si Grace. Tagos sa puso ang mga salitang sinabi nina Ken at Shayne sa kaniya. Napansin ito ng kaniyang mga kaibigan.

GF: Sige Pangit! Nice meeting you!
K: bye PANGIT!

Nakalayo na ang dalawa, ngunit hindi pa rin matinag sa kinatatayuan niya si Grace. Tila siya nadikit ng Mighty Bond sa sahig. Ang mga kasama din niya ay nabigla sa nangyari.

A: grabe naman yung babeng yun! Akala mo naman kung sinong maganda! Mukha naming espasol!
C: and I think she even doesn’t know how to use the make-up PROPERLY. Look at her face, pulang pula sa blush on! And oh, her lipstick, it doesn’t suit her dress! This is HORRIBLE!
M: grabe sa kakapalan make-up niya. Naalala ko tuloy yung teacher ko nung HS tayo. *smirk* Feeling siguro niya intsik siya… palaging namumula mukha nia. =|

Ang daming comment nina Collin, Anna at Mae sa babaeng kasama ni Ken. Ngunit tahimik lamang si Grace. Hindi ito umiimik.

C: and how dare her to insult our dear Grace?! Kaines! ~X(

Biglang nagsalita si Grace.

G: ano b kayo! My point din naman yung babae eh.. Pangit ako.. and that’s a fact…
A: ano ka ba naman Grace! Maganda ka. At kapag nag-ayos ka pa lalo, MAS gaganda ka. Mukha ka lang kasi boyish kumilos.
M: tama si Anna, Grace.
G: ay naku, nagsalita ung iba jan… =|
A: hoy Grace! Dati pa yun huh! Iba na ako ngayon no!

Nagtawanan ang lahat. Muli na namang nahalungkat ang nakaraan ni Anna. Si Anna ay dating tomboy noong highschool pa lamang sila. Madami siyang mga nagging ka-on. Ngunit ng sila ay tumuntong na ng college, biglang nagbago ang ihip ng hangin. Isa na siya ngayon ganap na babae. Well, sometimes.

C: ha! Akong bahala sa make-up~
G: kayo talaga… haha. Tara na nga, ayokong masira araw ko dahil lang sa dalawang ungas na yun!
C: tama!
M: tara! Nood tayo nitong Korean Movie o. diba mahilig ka sa mga Korean movies?
G: yay! Sige! ^_^

Biglang nawala ang pagka-down ni Grace. Bigla siyang nabuhayan dahil sa movie na kanilang panonoorin.

Habang pumipila…

K: ui! What a small world! Nandito din kayo!

Biglang gulat nina Grace and others sa nakita. Si Ken at Shayne, kaharap na naman nila.

G: maliit lang ang mall, tandaan mo yan
K: hmm… o baka naman sinusundan mo lang ako?

Umatake na naman ang pagka-highblood ng ating bida…

G: EXCUSE ME? Naririnig mo ba yang mga sinasabi mo? Me? Stalking you? OH COMM`N! *grabs Mae’s hands* tara na nga at bumili na tayo ng tiket. Baka mag-bago pa isip ko.

Nagmamadaling tinalikuran ni Grace sina Ken at Shayne na siya naming ikinagulat ng kaniyang mga kaibigan.

G: hmp! Ang yabang! Akala mo kung sino!
C: ui Grace! Dapat di mo pinapakita sa kaniya na napipikon ka. kung ipapakita mong napipikon ka, lalo ka lang niyang aasarin.
M: tama si Collin. Wag ka papa-apekto sa kaniya. Matutuwa lang yun lalo.
G: nakakaasar kasi eh!

Nasa gitna sila ng pag-uusap ng bigla silang tinawag ni Anna. Excited itong lumapit sa kanila at isa-isang binigay ang tickets.

A: ui! Tara na! magsisimula na ung movie! Dalian nio!
C: yay~!

Samantalang…

GF: hey honey, I wanna watch this movie,

Tinuro ni Shayne ang isang Korean Movie poster.

K: ok honey, you just wait while I buy us our ticket. i assure you that WE will surely enjoy this movie.

Ngumiti ito kay Shayne. Nakakaloko ang mga ngiting iyon. May laman. Tila bagang may iba pa siyang ibig ipahiwatig.


Sa loob ng movie house, kilig na kilig si Grace sa bawat eksena. Palibhasa kasi ay napaka-Hopeless Romantic niyang tao. Emote na emote na siya sa bawat eksena ng biglang pumukaw pansin sa kaniya ang dalawang tao sa kaniyang likod. Masyado silang maingay at magulo, kaya naman hindi na masyadong maintindihan ni Grace ang pinaka-climax ng movie. Hindi nito napigilan ang sarili at sinita niya ang mga tao sa likod.

G: Excuse me, but can’t you see that there are lots of people watching here? Will shut up and just watch?!
K: ui Pangit! Ikaw pala yan! Small world huh? Talagang sinusundan mo ako no?
G: OMG. No wonder kung bakit maingay yung nasa likod namin. May milagro na palang nagaganap. Ok, please just SHUT UP? Nanonood kami.

Tinnalikuran niya ang mag-shota at muli siyang nanood. Ah~ kinikilig na naman siya. Nadadala na siya sa eksena. Habang nag-coconcentrate sa pinapanood, bigla na lamang niya naramdaman na may bumabato sa kaniya. Nakapa niya iyon at nakita niya ang isang piraso ng popcorn.

G: ANO BANG PROBLEMA MO?! BAKIT BA LAGI MO NA LANG AKONG GINUGULO?! INAANO BA KITA?! PWEDE BA? NAKAKAINIS KA NA AH!
PEOPLE: SHH~!
G: oops~ sorry T_T
GF: honey, hayaan mo na si pangit.

Biglang hinalikan ni Shayne si Ken habang kaharap at kausap pa nila si Grace.

G: napaka walang delikadesa talaga ng babaeng to. Hindi na nahiya.

Muli niyang tinlikuran ang dalawa at nanood ng movie. Ngunit hindi talaga siya tinitigilan ni Ken. Ilang beses na siyang natatamaan ng popcorn. halos mapuno na niya ang baso niya ng mga nasasalo niyang popcorn. Sinusubukan niya itong hindi pansinin at sumunod sa tip ni Mae: WAG PAPAAPEKTO. Ngunit hindi talaga siya tinatantanan ni Ken. Patagal ng patagal, padami ng padami na ang popcorn na binabato sa kaniya. Hindi na siya nakapag-timpi.

G: ANO BA?! Bakit ba ginugulo mo buhay ko? Pwede ba, tigilan mo na ako!
K: paano kung Ayoko? :]
G: pwede bang asikasuhin ma na lang yang kasama mong espasol instead na ako ginugulo mo?
K: tapos?
G: papampam ka kasi! papansin!masaya ka na? pinansin na kita! Napipikon na ako! Satisfied?
K: what?! Ako? Nagpapapansin sayo? Nagpapatawa ka ba? Bakit, sino ka ba para magpapansin ako?! At bakit ko naman gagawin yun?!
G: ano yang ginagawa mo?!
K: nanggugulo!
G: ah ganun? Pwes, nagulo mo na ako. O ayan Masaya ka na ba!?

Hindi na napigilan ni Grace ang nararamdaman niya. Binuhos niya na lahat lahat kay Ken.

G: hey guys, umuwi na tayo. Nawalan na ako ng gana manood.
A: pero Grace, malapit na matapos yun-
G: ok fine, uuwi na ako. Kayo na lang tumapos niyan.
C: oo na sige na, aalis na. :|

Gustuhin mang sigawan ni Grace si Ken, hindi niya ito magawa. Naisip niya na hindi siya ang dahilan upang gumawa ng eskandalo sa loob ng mall. Isang kahihiyan ito para sa kaniya.

M: bakit? Anong problema?*kamot ulo*
G: hindi niyo ba nakita? Si Ken, ginugulo ako! Nung una pinagbigyan ko lang. Pero sumobra na siya eh! Inuubos niya pasensya ko! Ginawa ko naman yung tip niyo sa akin kanina, pero walang effect!
M: chill lang dude. Highblood ka na naman eeh.
G: wag na wag lang niya ubusin pasensya ko. baka kung anong magawa ko sa hayop na yun!
A: galit na galit na talaga siya kay Ken

bulong ni Anna kay Collin.

C: oo nga eh! Naku! Nkakatakot palang magalit itong si Grace! Ngayon ko lang siya nakitang nagkaganyan. Magkaibigan na kami since grade 6 pero ngayon ko lang nakitang magalit yan ng ganyan..
M: ganyan ang mababaet. Pag magalit, sobra.

Biglang napansin ni Grace na mag-isa na lang ito naglalakad at wala ng kasabayan.

G: pinagbubulungan niyo ba ako?! Ha!?
A: hi—hindi ah! Pinaguusapan naming yung pinanood naming kanina
G: hai~ uuwi na lang ako. Kayo, hindi pa kayo uuwi?
M: uuwi na rin siguro ako. Nawalan na rin ako ng gana eh. Tara na! sabay na tayo!
G: kayo Anna, Collin?
A: mamaya pa kami uuwi. Baka bumili na rin kasi ako ngayon ng damit. And magpapasama ako kay Collin.
G: kk. Sige, uuwi na kami ni Mae. Ingat kayong dalawa, lalo na sa mga unidentified specie na umaaligid-aligid sa mall.
C: oo sige :)) ingat din kayo ni Mae~!

Nang maka-alis na sina Mae at Grace, nagsimula ng gumala sina Anna at Collin. Habang tumitingin-tingin ng shop, muli nilang nakasalubong sina Ken at Shayne.

K: oi! It’s you guys again! Nasaan na yung kasama niyong amazona?
A: tandaan mo Ken, kaibigan naming yang tinutukoy mo.
C: wala, umuwi na! nawalan siya ng gana dahil sa isang tao jan!

Sinubukang patamaan ni Collin si Ken, ngunit tila hindi ito tinablan.

K: hai~ buti naman. Wala ng pakalat-kalat na unidentified specie sa mall ngayon.
A: *bumulong kay Collin*ui, pareho sila ng sinabi ni Grace diba?
C: yung alin?
A: yung…

G: kk. Sige, uuwi na kami ni Mae. Ingat kayong dalawa, lalo na sa mga unidentified specie na umaaligid-aligid sa mall.

C: hahaha! Oo nga ano :))
A: hahaha
C: hay.. pero ayun, sayang. guapo pa naman niya. kaso ang hangin naman masyado.
A: hehe… sinabi mo pa. kaya no wonder kung bakit hindi sila magkasundo ni Grace. Pero mukha naman siyang mabait. Mahangin nga lang.
C: tama ka jan bestfriend!

Muli, bumalik sa pag-shoshopping ang mag-best friend na sina Anna at Collin.


Nakauwi n s bording house si Grace. Sa isang boarding house siya nag-sstay kasama ang kaniyang school mate, na siya ding anak ng may-ari ng boarding house, na si Claire. Naabutan niyang nag-tutupi ito ng mga bagong plantsa na damit.

CL: badtrip ka ata?
G: eh paano ba naman ako hindi mababadtrip? Damang dama ko na yung scenes sa pinapanood ko ng may biglang na lang eepal sa likod ko! Sino ba naman hindi mababadtrip doon?!
CL: o? sino naman yun?
G: si Ken Ong. Yung mahangin sa building namin! GRR~!
CL: ah~ si Ken! Kilala ko yun haha :)
G: ha! no wonder kung bakit sikat siya! Sikat sa kayabangan! Prrft~!
CL: o talaga? Mayabang pala siya?

Tapos na sa pagtitiklop ng mga damit si Claire. Umupo ito malapit kay Grace at nakinig sa kaniyang kwento. Tila hindi makapaniwala si Claire sa mga naririnig.

G: oo sabi! Hmp! Matutulog na nga ako. Naubos energy ko sa pakikipag-sagutan sa kaniya.
CL: ok sige pahinga ka na =) infairness, ang swerte mo :D

Isasara na ni Grace ang pinto ng kaniyang kwarto ng bigla itong nagulat sa sinabi ni Claire.

G:WHAT?!:O
CL: you know what? Madaming babae gustong magpapansin sa kaniya. May mga ka-block ako na ginagawa ang lahat para mapansin ni Ken. Pero hindi sila nagiging succesfull. Pero ikaw.. ikaw itong effortless na nagpapapansin sa kaniya eh pinapansin niya. So lucky you 8)
G: WHAT THE. Ano bang pinag-iiisip ng mga blockmates mo? May sapi ba sila? Sabihin mo sa kanila, sinasayang lang nila oras nila kay Ken. And oh, HINDI KO GUSTO KO NA PANSININ NIYA AKO. Pampahirap lang sa buhay.
CL: hmm.. baka naman type ka niya?
G: ay naku Claire, mukhang mas pagod ka pa yata sakin eh. Kung ano ano na mga pinagsasasabi mo. Matutulog na nga ako.
CL: haha, fine fine. goodnighte Grace
G: goodnight!


Habang nakahiga sa kama, nagmumuni-muni si Grace tungkol sa nangyari sa kaniya sa araw na iyon.

G: ano bang kalokohan pumasok sa isip ni Claire? Crush? Imposible! Sa isang tulad ko? Haha, joke time ha? Hai naku, ang dami daming nangyari sakin sa araw na ito. Grabeng first day of the school year to, nakakapagod! Sana bukas pag-gising ko, ayos na ang lahat. Sana wala akong KEN na makikita bukas. Sana panaginip lang ung kanina sa school….

Hindi din nagtagal ay nakatulog na ang ating bida. Dala marahil sa sobrang pagod, kaya nakatulog ito agad.

0 comments:

Post a Comment