C: Bye Grace, see you later :)
G: kk, see you later!
Si Claire ang kaibigan at kasama ni Grace sa boarding na kaniyang tinutuluyan. Mabait, matalino, tahimik. Nag-aaral sila sa iisang school. Isang Nursing student si Claire at DL sa kaniyang kurso. Si Claire ang masasabi mong “Beauty with Brains” dahil sa sobrang talino at ganda niya. Madami ang nagtangkang manligaw sa kaniya, ngunit ni isa sa kanila ay wala siyang sinagot. Minsa pa nga ay tinanong siya n Grace tungkol dito.
G: o, bakit naman hindi mo sinagot yun? Gwapo’t mayaman yun ah. Sayang yun!
C: ayoko pa kasi ng commitment. Studies muna inuuna ko :)
G: hai.. pero ako yun? Naku, sasagutin ko siya!
C: alam mo, hindi porket mayaman at gwapo, kelangan mo ng sagutin. Hindi lahat ng ganong tao mababait no. at tsaka kung hindi mo naman mahal, bakit mo siya sasagutin?
G: ooh.. ok. Pero kung sakaling may manliligaw sakin, kahit pangit sasagutin ko na! haha! Mahirap na. baka kasi pag hindi ko ginawa yun, tumanda akong dalaga. Himala na lang kasi kung may manliligaw pa sakin XD
C: haha, kaw talaga Grace :) nasasabi mo lang yan ngayon dahil hindi mo pa na-experience ang naliligawan. Pero pag dumating yung time na may manliligaw sayo, maiintindihan mo din ako. :)
Kasalukuyang may klase si Grace ngunit tila wala ang kaluluwa nito sa classroom. Tanging ang katawan lamang niya ang nandoon.
G: *sigh* ang boring naman..
Naisip na lamang niyang ang gumuhit sa kaniyang notebook. Kakaibang mga guhit.may bahag-hari, may tao, may mga hayop at bulaklak. Hindi lamang ito ang kaniyang ginuhit, pati ang kanilang professor ay kaniya ding ginuhit. Nang siya ay matapos sa pag-guhit sa kanilang professor, sunod naman niyang ginuhit si Ken.
G: muhahaha >:3 bagay sayo may bigote. At dapat sa buhok mo, tayo tayo na parang pineapple!
Sa paligid ng drawing ay nakasulat ang mga negative na bagat tunkol kay Ken. Mayabang, pangit, pineapple wannabe, maangas at iba pang negatibo tungkol kay Ken. Nagbigay ng homework ang kanilang prof. sa pagmamadaling kumuha ng gamit sa bag ay nahulog niya ang kaniyang notebook. Matapos kumopya ay nagmamadali siyang lumabas ng kanilang classroom. Hindi niya namalayan na ang kaniyang ginuguhit ay nilipad malapit sa kinauupuan ni Ken. Napansin ni Ken na ang papel na kumipad malapit sa kaniya ay may pangalan niya. Kinuha niya ito at tinago. Pagkakita niya sa kaniyang mga kaibigan ay ipinakita niya agad ito.
K: ano to? Bakit may name ko sa baba?
Pagwawala ni Ken pagkakita niya sa kaniyang mga kaibigan.
JS: wow `pre, secret admirer mo!
CR: at ito pa `pre, ang galling ng pagkaka-drawing niya. Kamukha mo oh! :))”
Sabay na nagsitawanan sina Justine, Cris at Crom maliban kay Ken na naiinis pa rin sa nakita.
K: pwede ba, tigilan niyo na yang kakatawa niyo jan. naiinis na ako ha.
CS: Sino naman kasi yung taong gumawa nito? Mukhang ang laki ng galit sayo ah. Ang daming nilagay na negative stuff about you.
JS: benta sakin yung sinabihan ka niyang Pineapple wannabe eh :))
Muling nagtawanan ang tatlo, ngunit bigla silang natigilan dahil nakita nilang napipikon na si Ken.
K: mukhang kilala ko na kung sino may gawa nito…
G: aba! Mister na may tayu-tayong buhok, di ka ba marunong makaintindi ng salitang ‘please fall in line’? aba! Grumaduate ka ng walang alam?Paulit-ulit itong tumatakbo sa isipan ni Ken.
K: tama nga ang kutob ko. Kilala ko na kung sino may gawa niyan. Humanda siya sakin…
CR: anong pinagsasasabi mo jan?
K: basta.. tignan niyo na lang…
SA CAFETERIA.
G: ui bakla, samahan mo naman ako sa library oh. May kailangan lang akong iresearch.
M: aba himala Grace! Ikaw? Magla-library?
G: ang yabang mo naman.. parang hindi ako responsableng bata niyan ah :|
C: asus! Halow araw araw nga nangongopya ka ng homework nung HS tayo eh!
G: oi, nung highschool lang tayo nun ah. Iba na ako ngayon!
A: oo nga, nagbagong buhay na si Grace…
M: pano mo naman nasabi yan?
A: kelangan na niyang maging responsible ngayon dahil wala na siyang mapagkokopyahan sa block niya. Dahil halos lahat ng babae doon, crush si Ken :)) pabirong sbi ni anna.
C: nye~ akala ko pa naman seryoso na :|
G: oi grabe naman, hindi ah. Pupunta ako ng library para magresearch…
“tungkol sa…?
G: tungkol KAY PAUL! Ano pa nga ba?!
Kinikilig na naman siya. Halos gumulong-gulong ito sa sobrang kilig sa tuwing nababanggit niya ang pangalan ni Paul.
C: nye~ akala ko naman seryoso na. gagawin pang dahilan ang pag-aaral para lang Makita si Paul. Tsptsp.
G: grabe naman kayo.. ngayon lang naman ako humihingi ng pabor sa inyo. Bakit kayo, sinasa niyo din naman ako sa mga kalokohan niyo para lang makasama yung mga crush niyo ah. Nakakapang-tampo naman kayo T_T
Pagtatampong sinabi ni Grace sa mga kaibigan. Sinadya niya ito upang makuha niya ang loob ng kaniyang mga kaibigan at upang sila ay makonsensya.
M: hephep! Hindi ako kasali jan. haha” Naisingit ni mae.
Tinitigan ni Grace sina Anna at Collin. Naghihintay ito ng sagot mula sa dalawa.
A: oo na sasamahan ka na namin.
M: sabay na ako sa inyo. May hihiramin din kasi akong book sa lib.
G: sus, sasama din naman pala kayo eeh. Pinagdrama niyo pa ako T_T
At sabay sabay silang nagtawanan.
Sa hindi inaasahan na pagkakataon ay nandoon din si Ken sa Library. May pinopormahan ito na isang working student sa library.
K: Luisa, kelan mo ba ako sasagutin?
Pagpupumilit na tanong ni Ken sa isang librarian.
L: Pwede ba Ken, tantanan mo na ako. Busy ako at isa pa, ang ingay mo. Nasa library tayo.
K: basta ba sagutin mo lang ako, mag-bebehave ako!
L: ok fine. YES. Ok na? :)
Naka-ngiting sbi ni luisa.
K: YES!
Napalakas ang reaction ni Ken na siyang narinig ng halos buong estudyante sa loob ng library. Lahat sila ay napatingin sa kaniya.
Sa di kalayuan…
M: ano bay an. Sino ba yang Hudas na yan na maingay? Kitang nasa library tayo eh. Nag-iingay pa.
C: relax ka lang Mae. magbasa ka na lang jan XD
A: o anon a Grace? Nakita mo nab a si Paul?
G: Hindi pa nga eh.. alam kong ditto ko lang siya makikita. Ditto lang naman siya palaging tumatambay eh. Hmm.. bakit kaya natagalan yun :-?
A: sino ba nagsabi sayong lagi siya tumatambay ditto?
G: Si Luisa, yung friend ko na working student. Lagi niyang nakikita si Paul dahil librarian siya dito.
A: aah~ kaya naman pala.. teka, diba si Paul yun?
May tinuturo si Anna sa pintuan ng Library. Si Paul nga, papasok ito ng library at madaming bitbit na libro.
G: OMG, SI PAUL NGA!
Kinikilig pa ito habang binabanggit ang pangalan ni Paul.
G: hindi na ako magtataka kung bakit nakakasama siya sa top students sa school.. haiii~
Kinikilig si Grace habang nakatitig it okay Paul. Sinusundan niya ito ng tingin kahit saan siya magpunta. Habang sinusundan ng tingin ay bigla itong napa-ubo sa kaniyang kinauupuan.
G: *ubo*
C: o, ok ka lang?!
A: anong nangyari sayo? :O
G: o- ok lang ako. May nakita lang kasi ako na hindi kaaya-aya.
C: like what?
G: nakita ko kais si Paul na lumapit kay Pineapple wannabe. Ayun o, kinawayan pa niya!
A: ay, oo nga ano :O magkakilala pala sila? :-/
G: mukhang mahihirapan akong makalapit kay Paul nito ah….
Sa Magazine section..
K: oi tol! Msta!
P: ito, busy palagi
K: oh, I see.
P: by the way, anong nangyari sayo at napadpad ka yata ditto?
Nakaloloko ang mga ngiting iyon ni Paul. Tila may pinahihiwatig ito sa kaniya.
K: well, may GF kasi ako dito. And in fact, kakasagot lang niya sakin ngayon-ngayon lang! :D
May halong pagmamayabang niyang sinabi iyon. Natawa na lamang sa kaniya si Luisa.
P: haha masyado ka talagang habulin sa mga chiks :)) well, congrats sayo `pre :)
K: haha, hindi naman. Salamat salamat :))
P: o siya sige, mauna na ako sayo. May hahanapin pa kasi akong libro.
K: sige sige, ingat!
Sa pagmamadali ni Paul ay hindi niya napansin na nahulog ang kaniyang ballpen. Iaabot sana ito ni Ken ngunit nakalayo na si Paul.
K: teka lang Luisa ha. Iaabot ko lang tong ballpen kay Paul
Luisa: okay :)
Habang busy sa paghahanap ng libro, lingid sa kaalaman ni Paul na siya ay ini-stalk ni Grace.
G: huwey, nanjan na si Paul! Anong gagawin ko???
A: lapitan mo lapitan mo!
G: pano-
Hindi pa natatapos sa pagtatanong si Grace ng bigla siyang tinulak nina Anna kay Paul.
G: uh.. hi paul! bahala na! lagot kayong dalawa sakin mamaya~!
P: oh Grace, hi!
Kabado pa rin si Grace sa pangyayari. Pinipilit lamang niyang itago upang hindi siya mahalata ni Paul.
G: uhm.. anong book hinahanap mo?
P: ah yun ba? About sa list ng famous authors nung Japanese Regime sana. Nakita ko siya dito last week eh. Kaso mukhang nawawala.
G: tulungan na kita ^_^” GANDA POINTS ITO PARA KAY PAUL! Wait, hindi pala ako maganda, pano yun? Hihi~
P: is it ok with you?
G: uu naman, ikaw pa! ok Grace, SMILE. Ibigay mo ang pinaka-matamis mong smile sa kaniya!*smile* masayang sagot ni grace.
P: tnx ha :)
G: OMG, nakakatunaw yung mga ngiti niya~~~
Habang busy ang dalawa sa paghahanap ng libro, may isang lalaki ang biglang lumapit kay Paul. Pamilyar ang boses na iyon kay Grace.
K: Paul yung ballpen mo na--
tila nagging isang manikin si Ken. Napahinto ito at nanigas sa kaniyang kinatatayuan.
P: ui Ken, thans!
At napansin ni Paul ang pagkaka-statwang iton ni Ken.
P: ahm.. Ken, are you ok?
K: ah, oo. Nagulat lang ako kasi may kasama kang amazona sa tabi mo.
P: Amazona?
K: ayan oh, yung nasa tabi mo. Yung may hawak na libro!
Hindi na rin nakapagpigil si Grace at bigla itong nagsalita.
G: Paul, wag mong pncnin yang Pineapple wannabe na ya. Naghahanap lang yan ng bibili sa kaniya. Palibhasa season ngayon ng pineapples.
Sinusubukan nitong hindi magpa-apekto sa mga sinasabi ni Ken.
K: ako? Pineapple? Nagsalita ang amazona.
G: ui~ yung pinya nagsasalita. Creepy ha.
K: bawal mga outsiders dito ah. Bakit ka nandito? Bawal mga amazona ditto.
G: salamat sa joke mo ha. Natawa ako, GRABE.
Gulong-gulo si Paul sa dalawa niyang kasama. Naiipit siya sa kanilang barahan. Wala siyang ibang nagawa kundi ang sumingit na lamang sa kanila upang sila ay magtigil na.
P: excuse me guys, nasa loob po tayo ng library. We should not make noise here.
G: sori Paul. Siya naman kasi ang nanguna eh. Nga pala, nakita ko na yung book na hinahanap mo. Ito oh.
K: wushu~ acting good ka pa jan. asa.
P: oi Ken tama na yan. At baka masita ulit tayo niyan. by the way Grace, thanks for the help. Mauna na ako sa inyo at may gagawin pa kasi ako. Ok? Oh, wag na kayong mag-away. Aalis na ako.
G: ah ok…
Ito na lamang ang kaniyang tanging nasabi. Bakas sa mukha ni Grace ang lungkot na nararamdaman ng Makita niyang nag-papaalam na si Paul sa kanila.
K: Paul, yung ballpen mo baka makalimutan mo.
Paalala sa ni Ken kay Paul. Pagkabigay ng ballpen ay saka na umalis si Paul.
P: oh! Thanks Ken! `k guys, una na ako sa inyo ha? Bye!
Tuluyan ng umalis si Paul, ngunit hindi pa rin umaalis si Grace mula sa kinatatayuan nito. Tinitignan niya si Paul sa pag-alis nito, hanggang sa hindi na niya nakita ang likod nito.
K: o, bakit parang namatayan ka jan?
G: IKAW KASI EH! Nang dahil sayo kaya saglit ko lang nakasama at nakausap si ken! Nang dahil sayo kaya siya umalis! Lahat ng yan eh dahil sayo!
K: o, eh ano naman?
G: PANIRA KA TALAGA NG ARAW KO! EPAL!
K: uii nagagalit siya~ gusto mo si Paul ano?
G: WALA KA NA DOON!
Pagkasagot niyang iyon ay nag-walk out na si Grace. Hindi niya na kaya ang pang-aasar at pang-iinsulto sa kaniya ni Ken.
G: malas talaga sinasapit ko kapag nakakasama ko siya! Isa siyang JINX sa buhay ko~! Kainis!
0 comments:
Post a Comment