Monday, August 23, 2010

CHAPTER 5: GRACE: Officially Heart Broken!

A: o? anong nangyari?! Bakit si Ken ung kausap mo?!
G: Nakakainis kasi yung pinyang yun! Tama tama ba naming sumingit habang naguusap kami ni Paul?!
C: ano b tlga ang ngyari ha?

Kinuwento naman ni Grace sa mga kaibigan ang buong nangyari.

A: wrong timing pala yang c Ken. Hahaha!
G: sige tawa ka pa jan
A: sori naman. nakakatawa kasi eh.
G: at tama ba naming tanungin ako kung may gusto ako kay Paul? Close kami?
M: eh kasi naman, halata namang gusto mo si Paul eh.
G: kung halata, bakit parang hindi aware si Paul sa feelings ko sa kaniya?
C: malay mo, nagpapakatanga lang siya. Or sadyang manhid talaga siya. Alam mo namang priority niya studies niya diba?
A: tama si Collin. Baka naman kasi masyado siyang focused sa studies niya kaya hindi ka niya napapansin. Tignan mo tong si Mae, sa sobrang focused niya sa pag-aaral at kakabasa ng books, pinabayaan niya na lovelife niya :D
M: hayuuup! ako ako na naman nakita niyo~!
A: ginawa lang naman kitang example kay Grace, masama ba yun? XD
M: *binatukan si Anna*baliw.


Muling nagpatuloy si Mae sa pagbabasa.

G: wait lang guys ha, mag babasa lang ako doon. Gusto niyong suma2?
A: ikaw na lang Grace. May binabasa pa kasi ako eh.
C: ako din, hindi kta masasamahan. Interesting kasi itong book na nakita ko. About make-ups.

G:aww..
G: yaan mo Grace pag kapag na-master ko na tong mga to, gagawin kitang model! :))
A: at ako magiging photographer niyo! :D


Pabirong sinabi nina Collin at Anna.

G: woah~ parang.. parang natakot ata ako soon sa sinabi niyo? HAHA!
C: grabe ang sama mo naman. T_T
A: anna laslas pulso mode. Anna laslas pulso mode. Anna laslas pulso mode.

G: joke lang kayo naman. ok guys, doon lang ako ha. Balikan ko kayo later.

Masayang pumunta sa Magazine section si Grace. Naghanap ito ng magazine na maari niyang basahin. Habang nagba-browse, isang magazine ang pumukaw sa kaniyang pansin.

G: “I Hate You because I Love You” wtf. Baket ganito tong article na to?

The article talks about a real story of a girl`s unrequited love for the guy. Nagustuhan ni Grace ang topic kaya naisipan niya itong basahin sa isang sulok.

G:wth. Posible bang mangyari to sa totoong buhay? Parang sinabi ko na rin na si “Ken magkakagusto kay Grace”. THE HELL. Joke time naman ata tong article na to. Mukhang fanfic lang na napulot sa internet…

Patuloy pa din sa pagbabasa (at pagrereklamo) si Grace ng biglang may narinig itong nagsalita mula sa kaniyang likod.

K: “I Hate You because I Love You” yuck! Ang baduy mo ha.

Biglang nagulat si Grace sa bulong na iyon. Pagkalingon sa likod, nagulat na lamang ito ng makita niya si Ken sa likod niya.

G: ano bang pakialam mo? Pwede bang doon ka magbasa malayo sakin? Ok?
K: Ayoko ngang mag-basa.
G: edi doon ka sa iba mangulo at wag sa akin! Ano ba?!
K: saka na, pag NAGSAWA n ako sa pang-aasar sayo! ito ang gusto mo diba? Pwes, buong puso kong ibibigay sayo!

Hindi na natiis ni Grace ang kausap at bigla itong napatayo sa kinauupuan. Ibinalik niya ang hawak na magazine at muling hinarap si Ken.

G: ANO BANG PROBLEMA MO? Inaano ba kita?!
K: ako? Tinatanong mo ako kung INAANO KITA? BAKIT BA ANG--

May papel na kinuha si Ken sa bag. Pagkakuha ay ipinakita niya it okay Grace. Biglang natahimik si Grace sa nakita.

G: WHAT THE—

Biglang kinuha ni Grace ang papel, ngunit agad naman itong nabawi ni Ken.

K: baket hindi mo ituloy yung sinasabi mo? Ituloy mo!
G: paano napunta sayo yan? I mean—bakit, totoo naman ah! Mukha kang PINYA!
K: at least masarap ang pinya. Eh ikaw ba? Sa tingin mo ba may bibili sa amazonang katulad mo?
G: I don`t care. As if naman kawalan ko yun.
K: whatever amazona. Wala akong oras para makipag trashtalk sayo. If you will excuse me, maauna na ako at makikipag-meet pa ako sa bago kong girlfriend.

Nag-walkout si Ken. Sa sobrang kabadtripan ni Grace ay nawalan na ito ng gana magbasa.

G: ang kapaaaaal kapal kapal talagaaaa!
A: o Grace, ang bilis mo naman ata magbasa?
G: tara alis na tayo dito. Nawalan na ako ng gana.
C: but why? ang ganda ganda pa naman nitong binabasa ko…
M: high-blood n naman ang bakla. tsk

G: hiramin mo na lang!
C: ok fine ito na po.

Sabay sabay na nagpunta ng counter ang magkakaibigan. Malapit na sila sa librarian ng biglang napansin ni Grace si Ken na nakatambay doon. Nang mas napalapit na ito , napansin niyang kaibigan pala nito ang kasa-kasama ni Ken. Si Luisa. Nakita niyang nakatingin din sa kaniya si Ken at nginingitian ito ng pang-asar na ngiti.

G: crap. At nandito patong pinyang to. ANG EPAL TALAGA! oi guys, matagal pa ba yan?
C: atat ka masyado. O eh ito tapos na ako.
G: tara na dalian niyo!

Malapit na sa pinto sina Grace ng bigla siyang tinawag ni Luisa. Nasa tabi lamang niya si Ken.

L: hi Grace!
G: hey!

Pilit na ngiti at bati ang ibinigay sa kaibigan. Gusto niyang pagalitan ang kaibigan niya, ngunit wala siyang lakas ng loob para gawin ito.

L: nakita mo ba kanina si--
G: uh.. o- oo. Oo, nakita ko siya kanina..
L: bakit aalis ka na?
G: Ang polluted na kasi ng library na to. daming pinyang nakakalat natutusok na nga ako eh.

Sabay tingin nit okay Ken, mula ulo hangang paa. Ikinagulo naman ito ni Luisa.

L: pinya???
G: ah eh, nvm. Sige, alis na ako.
L: ok, balik ka bukas ha! I`m sure, nandito siya ulit.
G: sige, balik na lang ulit ako bukas.

Palabas na si Grace ng library ng bigla itong tumigil at lumingon kay sa kaibigan.

G: uhm, Luisa..
L: yes?
G: mag-ingat ka nga pala sa mga pinyang nakakalat jan sa tabi-tabi at baka matusok ka, ok?

Matapos sabihin ito ay saka siyang tuluyang lumabas ng library. Mula sa reflection ng pinto, nakita niya ang naging reaksyon ni Ken. Tinignan siya nito ng masama. Sinuklian din niya ito ng masamang tingin.


Pagka-uwi ng boarding house, naabutan niyang nanonood ng TV si Claire.
C: o, anong nangyari sayo at parang badtrip ka ata?
G: sino b naman ang hindi mababadtrip? Shining moments ko na sana with my crush ng biglang may umepal samin~!
C: si Ken ba?
G: OO! Paano mo nalaman?
C: nakwento mo siya sakin one time. and ang alam ko, sa kaniya ka lang naman naiinis sa school natin.
G: uhuh. Siya lang at wala ng iba.
C: so, kwento mo naman sakin kung ano talaga ang nangyari. :D

Mula pagpasok ng library, at paglabas nito ay ikinuwento ni Grace ang pangyayari kay Claire. Tipo ang paguusap nila ni Luisa, at kung paano niya titigan ng masama si Ken bago siya umalis. Kung ano ang naging reaksyon niya ng matuklasan niyang girlfriend pala ni Ken si Luisa.

C: ganun talaga yung nangyari? Haha! Nakakatawa kayong dalawa :))
G: huh? Anong nakakatawa doon? NAKAKAINES NGA EH.
C: ikaw ha.. baka magka-developan kayo niyan ha :)
G: wow ha. Kadire. Nakakaines talaga, nawala tuloy yung shinning moments ko with Paul =(
C: meron ka namang shinning moments with Ken eh ;)
G: EWW HA :|
C: asus ;)
G: pero alam mo, sobrang nakakatampo yung friend kong si Luisa. Remember Luisa?
C: ah yea. She`s your friend who`s working at the library right?
G: yup siya nga. Eh ayun. BF niya si Ken. I am so disappointed.
C: disappointed ka ba talaga dahil si Ken BF niya, o baka naman nagseselos ka friend? ;)
G: uhh Claire, ang YUCK naman nung sinabi mo :| hindi lang talaga ako makapaniwala na nagpabihag si Luisa sa ganung klaseng lalaki :|
C: so ibig sabihin… laging nasa library si Ken?

At biglang natauhan si Grace sa narinig. Nawala sa isip niya na ang lugar na gusto niyang puntahan.. ay siya din palang magiging tambayan ng pinaka-kinaiinisan niyang lalaki sa buong mundo.

G: AY ASDFG! Oo nga ano, GF nga pala niya kaibigan ko! Err--
C: edi lagi pala kayong magkikita haha!
G: di bale, nakukutuban ko na hindi din siya magtatagal sa library..
C: bakit mo naman nasabi yan?
G: hindi din kasi magtatagal at makikipag-break din yun kay Luisa. Babaero yun, remember? Hindi makukuntentp sa isang babae yun.
C: asus, malay mo kaya din siya nandoon kasi alam niyang doon ka din tatambay ;)
G: ay naku, ewan ko sayo!
C: hahaha :)) o siya, kumain ka na ba?
G: hindi pa nga eh T_T
C: may food sa fridge. Iinit mo na lang sa microwave.
G: ok, thanks Claire!

Pagkakuha ng pagkain ay dumiretso ito ng kaniyang kwarto. Sa sobrang pagod ay tila mas gusto pa niya ang matulog kesa ang kumain.


Hindi mapakaali si Grace sa kaniyang kinauupuan. Sabik na sabik na siyang marinig ang tunog ng bell. Bawat minute, ay tila isang oras para sa kaniya.

*RING*

Sa wakas, tumunog din ang bell. Pagkatunog ay lumabas ito ng kaniyang classroom at nakipag-kita siya sa kaniyang mga kaibigan.

G: oi, samahan niyo ulit ako sa library ha~
A: hindi ako pwede ngayon eh. May meeting kami ng org ko ngayon.
G: ikaw ba Collin, pwede mo ba akong samahan?
C: hindi din ako pwede ngayon eh.may pinapagwa kasi sakin si sir sa office.
G: Mae?
M: not this time Grace, sorry. I`ll be having a meeting with my groupmates for our project kasi
G: aww.. solo pala ako ngayon T_T

Paghihimutok nito sa mga kaibigan. Matapos magpaalam sa kaniyang mga kaibigan, mag-isa niyang tinungo ang Library. Tamang-tama lang ang dating niya dahil naabutan niyang nag-babasa si Paul. Bago lapitan, tinignan muna niya kung nasa paligid si Ken. Nang mapansing wala ang taong hinahanap, saka niya nilapitan niya ang kaibigan at umupo sa tabi nito.

G: hi paul!
P: hey!
G: ano yang binabasa mo?
P: ah, wala naman. Break ko kasi so nagbabasa lang ako dito. Ina-update ko lang sarili ko about sa nangyayari sa paligid natin :)
G: ah.. sa internet na lang ako nag-uupdate ng news eh. Minsan kasi inaantok akong magbasa pag sa newspaper, haha :D

Masayang nag-uusap ang dalawa ng biglang may sumingit sa kanilang pag-uusap.

K: at kelan pa natutuong gumamit ng computer ang amazon huh? Hey Paul!
P: hey Ken! Musta?

Nag-high five ang dalawa. Umupo si Ken sa tapat ni Grace at sumali ito sa kanilang usapan. Hindi pa rin makapaniwala si Grace sa nangyari. Ang akala niyang nasolo na niya si Paul… isa pala itong malaking akala.

K: ito, pogi at habulin pa rin. Diba Amazona?
G: tss. Kapal.
K: sus. If I know kinikilig ka lang kapag pinapansin kita.
G: sino ba kasing nagsabing pansinin mo ako? Pwede ba, tantanan mo na ako?
P: uh~
K: ayaw mo nun. Madaming babae ang maiinggit sayo dahil pinapansin kita!
G: sorry, pero hindi ko gusto ang kaingitan at hindi ko din gusto ang mapansin mo.
K: yiee pakipot ka pa eh
P: …
G: WHATEVER. Paul, kamusta grades mo? Balita ko ikaw nangunguna sa class niyo ah

Pag-iibang topic nito. Sadyang iniiwasan ni Grace ang makipagtalo pa kay Ken.

P: ah yun ba? Haha, oo..
G: wow! Congrats!
P: thanks Grace. :)
G: wow.. ang sarap pakinggan.. kinikilig ako!
K: Grace pala name mo?

Biglang nagulat si Paul sa tanong ni Ken.

P: What?! Hindi kayo magkakilala?!
K: we know each other by faces, but not by our names.
P: so ngayon lang kayo personally nagkakilala?
K: oo.

Tumingin ito kay Grace at muli itong nakipagkilala sa kaniya.

K: Hi Grace. I`m Ken Ong. Nice Meeting you!

Sabay lahad nito ng kamay sa kaniya upang makipag-shake hand. Ngunit dinedma lamang ito ng kausap.

G: ewan ko sayo.
P: by the way, guys una na ako. Nag-text kasi GF ko. Mukhang tapos na class niya.
K: ok, bye Paul!

Pagkasabi nito ay tumayo na si Paul at nagpaalam muli sa dalawa. Sa isang iglap, wala na si Paul sa tabi ni Grace. Naiwang tulala at tila hindi makabasag pingan si Grace.

G: si Paul.. may GF na… OUCH. ARAY. BUSINA NAMAN MUNA! =("

Ito ang unang beses na nalaman ni Grace na may GF na si Paul. Sa loob ng 2 taon na lihim na pagtingin nito, ngayon lamang niya nalaman ang bagay na ito. Hindi pa rin siya makapaniwala sa narinig. Kaya pala.. kaya pala hindi siya nito napapansin. Nasagot na ang mga katanungan na matagal na niyang gustong malaman. Ang dalawang taong pag-ibig nito kay Paul, tila nasayang lang at napunta sa wala. Sa mga salitang iyon, tila gumuho ang kaniyang mundo.

Napansin ni Ken ang biglang tahimik ni Grace.

K: o, narinig mo yun? May GF na si Paul kaya wag ka ng umasa sa kaniya. At kahit pa na wala siyang GF, wag ka pa rin umasa na papansinin ka nun. Sa itsura mong yan?! Wag ka kasing umasa, kung alam mong wala naman talagang pag-asa sa simula`t sapul pa lang.
G: tama siya.. alam ko namang pangit ako eh. Ang tanga tanga ko naman para umasa pa ako na may mangyayari talaga samin ni Paul. Ang tanga ko.. para isipin na may pag-asa pa.. ang tanga ko.. ang tanga tanga ko…

Sapul. Sapul kay Grace ang mga katagang sinabi ni Ken. Oo, umasa siya. Kaya ngayon, siya ang nasasaktan. Hindi magawang magsalita ni Grace. Hindi niya magawang sagutin si Ken. Tila ayaw gumalaw ng kaniyang mga labi. Isa lang ang gusto niyang gawin sa oras na iyon..

K: o, baket natahimik ka jan? bakit hindi ka magsalita?

Biglang may tumulo sa kaniyang mga kamay. Luha. Tumutulo na ang luha niya ng hindi niya namamalamayan.

K: hui Grace, umiiyak ka ba? O_O
G: alam mo ikaw, wag ka ngang mangealam sakin? Unang una, HINDI KITA KAIBIGAN. At pangalawa, HINDI TAYO MAGKAKILALA. Kaya wag mong pakealaman kung anong nararamdaman ko, at WAG NA WAG MO AKONG SUSUMBATAN! Oo, ako na ang nagkamali. AKO NA ANG UMASA. AKO NA ANG NASAKTAN!

Pagkasabi nito ay nagmadali siyang lumabas ng library. Patakbo itong umalis at wala na siyang pakialam sa mga taong nakakita sa kaniya habang siya ay umiiyak. Ang gusto lamang niya ay ang mapag-isa.

Nang medyo nahimasmasan na si Grace, saka ito nakipag-kita sa kaniyang mga kaibigan. Bakas pa rin sa mukha niya ang lungkot at sakit na nararamdaman.

C: Grace? Whats wrong?
G: wala.. ang sakit.. ang sakit sakit talaga..
M: deny ka pa, halata naman.
A: tell us, what’s wrong?

Bakas sa boses ng mga kaibigan ang pag-aalala sa kay Grace.

G: si.. si Paul.. may—may GF na =(

Hindi tapos si Grace sa kaniyang sinasabi ng bigla na namang tumulo ang kaniyang mga luha.

G: ang tanga tanga ko.. umasa pa kasi ako… baket ba kasi umasa pa ako? Alam ko namang… imposible.. imposible talaga.. imposible talagang may taong magmamahal sakin… destined talaga akong mag-isa hanggang sa pagtanda ko..

Tuloy-tuloy sa pag-hikbi si Grace habang ang mga kaibigan naman niya ay nasa tabi lang niya, tahimik na nakikinig.

C: ano ka ba Grace, meron ding magmamahal sa iyo. Iyon nga lang, hindi mo pa siya name-meet. Kung sakaling na-meet mo na siya, iyon eh hindi pa kayo aware na kayo ang destined para sa isa-`t-isa. Kahit yung taong iyon, hindi pa aware na ikaw ang soulmate niya.
A: nanjan lang siya sa tabi-tabi. Dadating lang siya sa mga oras na hindi natin inaasahan..
M: alam mo Grace, lahat ng tao may soulmate. Maghintay ka lang, dadating din yung sayo.
G: pero bakit ganun, lagi na lang ako sawi? Sa tuwing hahanapin ko yung soulmate ko, nasasaktan ako. Baket ba hindi ko siya pwedeng mahanap ng hindi ako nasasaktan? =(
M: wag mo yan sabihin Grace.. at isa pa, hindi ikaw ang hahanap sa soulmate mo. Kusa talaga kayong pagtatagpuin ng tadhana.
C: at kelangan mo din masaktan para matuto.

G: kaso.. ano naman pwedeng magustuhan nila sa akin? Hindi ako kagandahan.. hindi din ako katalinuhan.. in short, hindi ako ideal girl para sa isang lalaki..
A: wag mong sabihing hindi ka maganda. Para sa amin MAGANDA KA. Hindi ka pangit ok?
C: hindi din sukatan ang grade pag nagmamahal. Tanga ang taong mag-iisip ng bagay na yun!
M: at isa pa, mabait ka Grace. I`m sure that guy will fall for you dahil sa ugali mong yan. Kahit pa corney yung jokes mo, nagagawa mo kaming patawanin. Kahit pa lagi kang late sa mga usapan natin, nagagawa mo namang makabawi eh. At kahit pa na lagi ka namin binubully nina Collin at Anna, ni minsan ay di mo nagawang magalit sa amin. Napakahaba ng pasensya mo sa amin. At kapag malungkot ang isa samin, napapagawa mo kaming pasayahin dahil nakakahawa yung ugali mong pagiging masayahin.
A: at totoo ka sa sarili mo, kaya madaming tao ang natutuwa sayo. Hindi lang kami..

Mas lalong naiyak si Grace. Naiiyak siya hindi dahil sa sakit, ngunit dahil sa mga sinabi ng kaniyang mga kaibigan. Na-touch siya at kaniyang narealize na napaka-swerte niya sa kaniyang mga kaibigan, kahit pa na wala siyang soulmate.

G: *sniff*siguro nga kayo ang mga soulmates ko.. haha!

At dahan-dahang nawala ang mga lungkot sa mukha ni Grace. Napalitan na muli ito ng ngiti.

A: o edi nag-smile ka na ulit. iyan si MASAYAHING GRACE!
M: hindi umiiyak
C: at hindi nagpapa-apekto sa mga problema!
G: aww…. Group hug nga! I love you friends… my soulmates~! =)

At saka nag-grouphug ang apat.

0 comments:

Post a Comment