Wednesday, August 25, 2010

CHAPTER 6: Tulay

G: hey!

Masayang bati nito sa kaniyang mga kaibigan. Pinilit limutin ni Grace ang kasawian sa pamamagitan ng kaniyang mga kaibigan.

G: simula ngayon pipilitin ko ng bawasan pagkahumaling ko kay Paul. Simula ngayon, iisipin ko na CRUSH ko siya. CRUSH LANG.
C: anong pinagkaiba nun? May feelings ka pa din sa kaniya :|
G: oo. Pero nabawasan na. hindi na siya tulad nung dati na head over heels akong inlababo sa kaniya.
C: kaw bahala. Pero pag ikaw ulit nasaktan.. ewan na lang namin.
G: ok lang masaktan, nanjan naman kayo eh, dba? Diba? :D
M: ay sus, ito na naman tayo sa dramahan moments.
G: haha! Basta ha, samahan niyo pa rin ako sa library :P
M: fine fine.
G: YAY! Let`s library guysss! XD


Pilit na pinapasaya ni Grace ang sarili at pinipilit niyang hindi magpa-apektado sa nangyari. Kahit alam niyang walang pag-asa, hindi pa din niya tuluyang kinalimutan ang nararamdaman niya kay Paul.

Pagkarating niya ng library, naabutan niyang malungkot si Luisa.

G: Luisa, why so sad?

Bakas sa mukha ni Luisa ang pagkalungkot nito. Halos hindi ito umimik sa kaniyang kinauupuan. Kung hindi pa siya tinapik ni Grace, hindi pa niya ito mapapansin.

L: Break na kami ni Ken. Nursing student yung bago niyang girlfriend..
G: see, i`m right! HE`S SUCH A PLAYBOY! ikaw naman kasi. alam mo namang babaero yung Pinyang yun,pinatulan mo pa.
L: Ewan ko ba. Nagpakatanga lang ako sa kaniya..
G: dibale friend, kakarmahin din yang lalaking yan! Basta next time, wag ka na papatol sa mga tulad niyang player ok? You don`t deserve to be hurt ng mga ganun klaseng tao. Hindi mo sila kawalan, ok? =)
L: hai.. thanks Grace. Medyo napagaan mo loob ko =) by the way, nandito na pala si Paul.
G: yay~! Thanks Luisa =)


Masaya siyang umalis at excited itong naglakad ng muli niyang nilingon si Luisa.

G: Luisa, SMILE ok? =)


Pagkapasok ng Library ay agad niyang hinanap si Paul. Halos buong sulok ng library ay inikot niya. Nakita niya si Paul na nagbabasa sa isang sulok ng library.

G: Grabe.. nasa kaniya na ang lahat.. ubod ng swerte talaga ng gf niya sa kaniya.
A: asus ayan k n naman
C: tpos s huli iyak k n naman.
M:hindi naman kami mukhang tissue paper para iyakan mo no.

G: grabe naman kayo T_T
A: toh naman d k n mabiro. :))


Tuloy pa rin sa pag-titig, pag-papantasya at pag-sstalk si Grace kay Paul ng sa di inaasahang oras ay biglang may tumapik sa kaniya.

K: Grace, pwede ba kitang makausap ng tayong dalawa lang?
G: at bakit na naman ba? ano n naman kayang problema ng pinyang to? Dito na lang tayo magusap, nakakatamad tumayo eh.

Pataray at hindi ito nakatingin na sumagot sa kaniya.

K: importante to kaya tumayo ka na jan.
G: ayoko nga! kakatamad eh.
K: aba ang arte! Tumayo ka na kasi jan.
G: grabeee grabe ka talaga sa kakapalan ng mukha! ANG DEMANDING BADTRIP!
K: ano na? dali! Ngawit na ako dito. Kanina pa kaya ako nakatayo dito :|


Busy sa pagbabangayan ang dalawa habang sina Mae, Collin at Anna ay nanonood lamang sa kanila.

C: wala pa ngang 1min na nakatayo si Ken eh, pagod na agad siya.
A: haha!
M: shh~ wag kayong maingay!

G: wag nga kayong maingay?!

Dahil sa lakas ng pagkakasabi nito ay napatingin sa kaniya lahat ng tao. Biglang nakaramdam si ng hiya si Grace.

M: doon na kasi kayo sa labas mag-usap. Nakakaistorbo na kasi kayo ng mga tao dito.
K: o ayan, si—what`s your name?
M: Mae
K: Ok. Mae. Si Mae na rin mismong nagsabi o. so tumayo ka na jan at sa labas na tayo mag-usap.
G: oo na sige na! kaines talaga! X( guys, wait niyo ko ah. Babalik ako AGAD.
M: sige lang. take your time :))
C: balitaan mo na lang ako kung kayo na ha? :D
G: ASDFG! :|



Dinala ni Ken si Grace sa Gazebo at doon, sila ay nag-usap.

G: ano ngayon yung sasabihin mo sakin?
K: ilakad mo ako kay Claire.
G: what?!
K: ang sabi ko, ilakad mo ako kay Claire. Tanga ka ba?
G: pati ba naman sa mga kalokohan mo, idadamay mo si Claire?!
K: kalokohan? Wala naman akong ginagawang masama ah.
G: anong wla? Eh babaero ka. At isa pa, ayokong idamay si Claire sa mga kalokohan mo.
K: anong babaero? hindi ah.. mga babae ang lumalapit sakin. At kasalan ko ba kung sila lumalapit sakin?
G: basta. Hindi pwede!
K: kailangan mong gawin mo yun. Or else,
G: or else what?!
K: or else I will tell Paul how much you like him. And not just that. Ipagkakalat ko yan sa buong campus.
G: what?!
K: kapag nangyari yun, everybody will know about it. And what`s worst is, baka yun ang cause ng break up nila ng GF niya.
G: anong--
K: and if that happens, everybody will blame you for that.
G: pero—
K: hindi ko naman ginusto humingi ng tulong sayo eh. Pero ikaw lang kasi yung kilala kong malapit kay Claire.
G: please lang, iba na lang ang ligawan mo at wag si Claire!


Biglang nag-iba ang mood ni Ken at tumaas ang boses nito.

K: pwede ba, sabihin mo na lang sa akin kung tutulungan mo ako o hindi. Hindi itong paikot-ikot lang tayo!
G: ok fine, hindi kita matutulungan jan!
K: kay, fine. Get off the car now. Pupunta na ako kay Paul to tell him the truth.


Bubuksan na ni Ken ang pinto ng bigla siyang pinigilan ni Grace.

G: ok fine! Tutulungan na kita. But you promise me na you will never tell Paul about my feelings for him. Ok?
K: deal!

Pagkasabi nito ni Ken, bumaba na si Grace ng kotse. Ngunit muli siyang tinawag nito.

K: hey, saan ka pupunta?
G: diba pinapababa mo ako? Ito, baba na ako.
K: teka! Before you go, kwentuhan mo muna ako about kay Claire. So first of all, ilan na ba ang nanligaw sa kaniya?

G: madami. Pero wala siyang sinagot ni isa sa kanila.

Wlang buhay na sinasagot ni Grace ang mga tanong ni Ken sa kaniya. Halata sa tono ng boses niya ang pagkabagot nito.

K: bakit naman?
G: studies muna bago lovelife.
K: ooh..
G: kaya sinasabi ko sayo, mahihirapan ka sa panliligaw sa kaniya. Kung yun ngang dati niyang manliligaw na MAS matino pa sayo, hindi niya sinagot eh. Ikaw pa kaya.
K: tanga ka ba? o sadyang di ka lang nag-iisip? Kaya nga ako nagpapatulong sayo eh.
G: kita mo to, ako na nga tutulong, ako pa nasabihan ng tanga. :| eh paano kung tinulungan na kita, pero hindi ka pa din niya sinagot?
K: imspoibleng hindi niya ako sagutin! Aba, halos lahat ng babaeng niligawan ko, sinagot ako. Aba, magpasalamat siya at isa siya sa mga mswerteng liligawan ko. Ang daming babae jan na nagkakandarapang magustuhan ko sila ha. B-)


Pagmamayabang na sinabi nito sa kasama. Kibit balikat na lamang si Grace sa narinig. Halos naubos ang break time ni Grace sa pakikipag-usap niya kay Ken tungkol kay Claire. Hindi din naglaon ay naisip na ng dalawa ang bumalik sa Library.

Habang pabalik ng library, patuloy pa din si Ken sa pagtatanong tunkol kay Claire. Tila walking slumbook si Grace kakasagot sa mga tanong ni Ken.

Pagkabalik ng Library, agad na pinuntahan ni Grace ang mga kaibigan.

C: ui! Anong nangyari sa date ninyo?
G: WTF. Pwede ba, may pinagusapan lang kami.
C: about what? Uyy~ getting to know each other sila :D
G: ERR. EWW.
M: eh ano nga?
G: nagpapatulong siya sakin na ilakad ko siya kay Claire eh.
M: wow, mukhang matrabaho ata yan ah
G: oo nga eh. Hai..


Napabuntong-hininga na lamang si Grace.


PAGKA-UWI ni Claire sa boarding house nito ay agad niyang hinanap ang kaibigan niyang si Claire.

G: Claire?
CL: Grace? Pasok ka.
G: ui~ Musta?


Hindi alam ni Grace ang una niyang sasabihin at gagawin. Hindi din niya alam kung paano niya sisimulan ang plano niya at kung paano io-open ang topic tungkol kay Ken.

CL: ito, pagod. Ikaw naman kamusta?
G: *sigh*ito, pagod din. By the way, kasama ko pala si Ken kanina..

At sa wakas, nagawan din niya ng paraan upang maisingit si Ken sa usapan.

CL: talaga? At ano naman ginawa niyo? Nag-date siguro kayo ano :))
G: hindi no! tanong ko lang Claire, anong opinion mo about kay Ken?
CL: hmm.. diba siya yung heartthrob sa atin?
G: uhuh. Yung mukhang pinyang yun!
CL: hahaha :D grabe ka naman! Hmm.. ok naman siya. Mukhang mabait. At balita ko magaling siyang singer at gitarista? May itsura. At Matalino din.. Bakit mo naman natanong?
G: hmm, wala lang. I was just asking your opinion about him.
CL: I see. :)
G: pag nanligaw ba sayo si Ken, may chance ba siya sayo?
CL: anong klaseng tanong naman yan Grace? =))
G: haha wala lang. curious lang kasi ako :D so ano, meron ba?
CL: hmm… studies kasi iniisip ko ngayon eh.. so..
G: so…?
CL: so, baka wala? I don`t know :))
G: YES!
CL: ha?
G: I mean, yes, dapat studies muna bago boypren! XD
CL: hahaha kaw talaga :P
G: *checks time*naku, late na pala. Matutulog na din ako. Sorry sa istorbo ha?
CL: no problem Grace :) sige, goodnight =)


Pagkalabas ng kwarto ni Claire ay dumiretso siya agad sa kaniyang kwarto. Sa sobrang pagod ay naisip na lamang na matulog ni Grace.


SCHOOL
K: Grace!

Mabilis na naglalakad si Grace ng biglang may tumawag sa kaniya. Pagkalingon, nakita niyang hinahabol siya ni Ken.

G: ano?
K: Bakit hindi mo kasabay si Claire?
G: maaga class niya eh. Nauna na siyang pumasok sakin.
K: ganun ba? Sayang naman at di ko siya nakita.
G: Yaan mo, one of this days papakilala kita sa kaniya.
K: oh? Talaga? Siguraduhin mo lang ha!
G: oo na sige na! pwede bang mauna na ako? Malelate na kasi ako eh.
K: OK!


Matapos magpaalam ay bigla na lamang nawala si Ken na tila bula sa harapan ni Grace.

G: nice one. Hindi man lang nag-thank you. THANK YOU HA?!

Nagmamadaling pinanhik ni Grace ang 5th floor. Natatakot ito na baka siya ay ma-late sa kaniyang major subject. Palapit na siya ng kanilang classroom ng napansin niyang pumasok si Ken. Ah, kaklase nga pala niya ito sa subject na iyon.

Hindi pa nakakaupo ng matagal si Grace ng bigla siyang kinausap ni Ken.

K: So, anong napagusapan niyo ni Claire?
G: tinanong ko siya kung anong opinion niya tunkol sayo.
K: anong sabi niya?
G: ayun, puro LIES. Gwapo ka daw at talented na tao. Matalino. Tss. Lies no? Gusto ko nga masuka sa mga narinig ko eh.
K: aba, totoo naman yung mga sinabi ni Claire ah. Anong lies doon?
G: *pabulong*kung hindi ka din grabe sa kayabangan eh ano. Nakakaiines.
K: may sinasabi ka?
G: wala.
K: Oh, eh ano pang sinabi niya?
G: yun lang.
K: eh? YUN LANG?!
G: yun lang.
K: wala na ba siyang ibang sinabi?
G: wala.
K: as in?
G: alam mo, naiirita na ako sa kakatanong mo. Ito number niya, text mo na lang siya at ikaw na mag-tanong.


Naglabas ng ballpen at papel si Grace at tila may sinusulat ito. Matapos mag-sulat ay padabog niya na ibinigay ito kay Ken.

G: o ayan. Itext mo yang number na yan at jan ka mag-tanong ha? Yan yung interview-hin mo, at hindi ako!
K: K. Thanks.


Matapos ang paguusap na iyon, muli ng nakinig sa kanilang professor ang dalawa. Napansin ni Grace na panay ang text nito. Marahil, katext na niya si Claire.

Pagkatapos ng 2oras na lecture, agad siyang tinawag ni Ken.

K: ano nga pala number mo?
G: number ko?
K: oo number mo. Tanga ka ba?
G: bakit mo hinihingi? Binigay ko na yung kay Claire ah.
K: para lang maging updated ako kay Claire. Hindi naman pwedeng lagi ko siya i-text diba?
G: kaya nga binigay ko yung number niya eh.. para siya na lang kukulitin mo.
K: tanga ka ba? Malamang maiinis sakin yung pag lagi ko yun kukulitin. At para na rin mautusan kita kung sakaling may papagawa ako sayo for Claire.
G: wow ha. Utusan mo ako?
K: baket, hindi ba?
G: eh kung hindi din makapal mukha mo eh ano?!
K: ang dami mo namang sinasabi! Akin na kasi number mo diba? Ng matapos na to.
G: 09xxxxxxxxx
K: ok. Number saved.
G: pwede na bang umalis?
K: wait! Sabay ba kayo ngayon ni Claire?
G: nope. Pag-uwian, sa kabarkada ko ako sumasabay. Minsan lang kami sa umaga magsabay din ni Claire.


Hindi na niyang hinintay ang reply ni Ken. Tinalikuran na niya ito at saka umalis. Umiiwas na baka muli na naman siyang kulitin nito.


SA BAHAY
CL: Grace
G: yes?
CL: ikaw ba nagbigay ng number ko kay Ken?
G: ah yun ba? Oo. Ang kulit kasi niya eh. Tanong ng tanong sakin tungkol sayo kaya ayun, binigay ko number mo sa kaniya. Ano ba sinasabi niya?
CL: wala naman. Dapat nga hindi ko siya rereply-an eh. kaso nagpakilala siya sakin at ang sabi niya, friends daw kayo. Kaya ayun, nireplyan ko siya.
G: wow ha. Friends “daw” kami. LIES.
CL: oo. Yun ang sabi niya eh.


*BZZ BZZ*

Biglang may naramdamang vibration sa bulsa si Grace. Chineck niya ang phone nito. Isa itong text mula sa isang unregistered number.

#: set mo kami ng date ni Claire.


Hindi na niya kelangan pang reply-an ng “who you” ang ka-text dahil alam niya, at sigurado siyang si Ken ang nag-text sa kaniya. Sa laman pa lang ng text at way ng pakikipag-text nito, alam na niyang agad na si Ken ito.

G: how?

K: kelangan maipakilala mo na siya sakin ASAP para ma-invite ko na siya for Dinner!

G:Ok.

K: siguraduhin mo lang ha!


Rereply-an na sana niya si Ken ng biglang namatay ang cellphone niya. LOWBATT.

G: ayan buti na lang lowbatt na ako. Magtiis ka ngayon! Kulit eh! Salamat, Ted Hannah!

Sa pagkakataong ito, tila kakampi ni Grace si Ted Hannah dahil sa nangyari.


KINABUKASAN SA SCHOOL sabay na pumasok si Grace at Claire. Nagkataong nakita sila ni Ken at agad niyang tinawag ang pansin ni Grace.

K: hi Grace!

Kumaway ito at masayang binati si Grace. Halata sa kaniyang boses ang excitement at saya nito.

G: plastic amf.
K: pakilala mo na ako kay Claire!
G: Claire, ito pala si Ken. Mukha siyang Pinya ano?


Natawa si Claire sa pagkakasabing ito ni Grace. Babanat na sana si Ken ng biglang muling nagsalita si Grace.

G: Ken, si Claire, friend ko na na may crush sayo.
K: ahh hehehe *tumingin kay Grace*hui! Baket mo ako nilaglag?!
G: tss.

CL: haha :)

Matapos ang pagpapakilala na iyon, Nagkamayan sina Ken at Claire. Ang laki ng ngiti ni Ken habang nakikipagkamayan ito kay Claire.

K: At last, nagkakilala na rin tayo. :)
CL: oo nga eh. At least after texting you last night, na-meet na din kita in person
G: uh.. excuse me lang po ah. Ako ay magpapaalam lang sa inyo dahil male-late na ako sa class ko. Ken, ikaw na bahala kay Claire ha. Claire, see you na lang mamaya sa house!
K: K. Bye.
CL: ingat ka!


Matapos niyon ay tuluyan ng umalis si Grace at nagmadaling pumanhik sa kaniyang classroom. Naiwan niyang naguusap pa din sina Ken at Claire.

K: hatid na kita sa classroom mo.
CL: Naku, wag na. baka ma-late ka sa class mo..
K: Hindi pa naman bell eh. Hatid na kita!
CL: haha, sige. Ikaw bahala. :)


Sa pangungulit ni Ken ay nakumbinsi din niyang ihatid niya si Claire sa klase. Nagtatawanan ang dalawa habang sila ay naglalakad. Napansin ito ng mga tao sa paligid nila at hindi naiwasan na sila di ay mapag-usapan. Si Ken ay sikat sa campus nila samantalang si Claire naman ay isa sa mga heartthrob sa kanilang building. Tila sila mga artista na naglalakad at tinitingala ng mga tao. Pero tila hindi ito napapansin ng dalawa. Tuloy pa din sila sa pagkekwentuhan.

K: Claire, what time uwian niyo today?
CL: not sure eh. Pero malamang, late ako makakauwi ngayon. Baket mo naman natanong?
K: yayain sana kita mag-dinner tonight.
CL: ganun ba? Naku.. kahit naman kasi maaga ako makakauwi today, hindi pa din ako makakasama sa dinner.
K: aww, bakit naman? :(


Biglang lumabas ang lungkot sa mukha ni Ken. Bakas sa mukha niya ang disappointment sa sinabi ni Claire.

CL: eh kasi wala pa akong pera eh. Hindi pa napapadala ng parents ko yung allowance ko for this month.
K: ah ganun ba? Edi doon na lang tayo sa bahay ko mag-dinner. Don’t worry, I’m not a rapist or something. Haha!
CL: haha grabe ka naman :)) pero are you serious with that?
K: oo naman no!
CL: ok :) kelan ba?
K: how about this Friday? Are you free?
CL: yeah sure. Sige, this Friday :)
K: YES!
CL: :)


Sa sobrang tuwa ni Ken ay bigla itong napasigaw. Nagulat ang tao sa kanilang paligid at bigla siyang tinignan nito.. nagtataka kung ano na ang nangyayari sa kaniya. Ngunit deadma lamang ito kay Ken. Sa sobrang saya nito ay hindi na niya pinansin ang mga tao sa kaniyang paligid.

DISMISSAL. Magkakasama na naman sina Grace at ang kabarkada nito. Naisipan ng magkakaibigan ang tumambay muna sa pavilion.

Biglang napasok sa usapan ang kanilang Dance.

A: Guys, malapit na mag-December.
M: why, anong meron?
A: may Dance tayo sa December! Yay!
C: ay oo nga ano~ shaks, naexcite naman ako! May partner ka na ba Anna?
A: ako? Oo naman no! si Cedric partner ko :>
C: eh ikaw Mae, sinong partner mo?
M: ha? Baket? Pupunta ba ako sa Dance?
A, C: eeeeeh! :(


Biglang sinapak ni Anna si Mae at tinakot ito.

A: pag di ka pupunta, MUMULTUHIN KITA SA BAHAY NIYO!
M: -___-“
A: err. PUMUNTA KA NA KASI!
M: well, kung sakali namang pumunta ako eh wala din naman akong partner. Baka kasi ako pa gumastos ng pamasahe at pangsuot niya. No thanks k?
C: nyeeee!


Excited na nag-uusap ang tatlo (well, hindi sure kung kasama dito si Mae) ng napansin nilang tila nanahimik sa isang sulok si Grace.

M: hui ang tahimik mo jan.
C: Ikaw ba Grace, sinong partner mo sa Dance?
G: ah ako ba? Uhh.. wala eh..
A: eh?? Bakit naman?
G: baka kasi hindi ako umattend ng Dance.


Nagulat ang tatlo sa naging tugon ni Grace.

A: WHAT?! Kung kelan pupunta si Mae sa Dance, saka naman ikaw ang hindi pupunta?! Edi hindi na tayo complete sa araw na yun!
M: huh? O_O May sinabi ba akong pupunta ako? Ang sabi ko— ~
C: bakit di ka pupunta?
G: una. Ayoko ng nagsusuot ng magagarbong damit . naiirita ako at hindi ako sanay. Pangalawa. Ayoko ng make up. Hindi naman kasi ako gumaganda at lalo lang ako pumapangit. Pangatlo parang tinatamad ako. Feeling ko kasi wala namang maganda and excitement na mangyayari sakin sa araw na iyon. At pangatlo…
M, A, C: pangatlo…?
G: wala akong partner..


Pabulong na sinabi nito sa mga kaibigan.

C: nye! Yun lang pala eh! Akong bahala sa make-up mo friend. MAGTIWALA KA LANG SAKIN!
G: shet. Parang natakot ata ako sa sinabi mo ah.. ako? Magtitiwala sayo? O_O
A: ako naman bahala sa damit mo! Makakahanap din tayo ng maganda at babagay sayo. Yung tipong hindi ka maiilang suotin.
G: wow ha. Thanks friends sa mga “binabalak” niyo sa akin. Pero I doubt na makakapunta talaga ako..
M: bakit naman? Ito na nga sina Collin at Anna, nagvovolunteer na tulungan ka eh.
G: eh kasi… feeling ko pagtatawanan lang ako ng mga tao sa Dance eh. Baka mag-mukha akong weird..
A: hello? Friend? Wala ka bang tiwala sa amin?!
G: ha? Anna? Tiwala? Anong gusto mong isagot ko sayo? Yung tamang sagot? O yung totoong sagot?
A: yung totoo.
G: WALA.
A: ARAY NAMAN ANG PRANGKA MO NAMAN FRIEND! *emo-laslas-pulso-mode*
G: joke lang! ikaw naman XD
C: sige ka, pag hindi ka pupunta, magtatampo kami sayo..
M: hudas ka. Ngayon na nga lang ulit tayo makukumpleto, hindi ka pa pupunta!
A: so pupunta ka na talaga Mae? muhehe >:D
M: err. T_T


Ilang beses na kinulit at pinakonsensya nina Mae, Anna at Collin si Grace. Halos maging sirang plaka na sila sa pamimilit kay Grace na sumama sa Dance. Hindi din natiis ni Grace ang mga kaibigan at bumigay din ito.

G: K. FINE. PUPUNTA NA.
M, A, C: YEY!

Sa sobrang tuwa ng tatlo at nagsitilian ito… sa sobrang lakas ay umabot ito sa kabilang pavilion.

0 comments:

Post a Comment