Tuesday, July 12, 2011

CHAPTER 34: Mr. Heartthrob's Past Love

Gaaah. Back to school na naman. Ano ba naman to, nakakatamad talagang pumasok lalo na pag pang-umaga yung klase mo. Tapos ang nakakainis pa doon, nakaka-antok na nga yung Prof mo, may kaklase ka pang bwiset.

K: Grace! *pabulong na pasigaw*

Feeling ko may tumatawag sakin. Feeling ko lang. Pero feeling ko hangin lang yun. Woosh woosh~

K: Grace! Naku naman, ang bingi! Hindi ka talaga lilingon ha...

Hangin hangin go away wooosh~

K: HUI! *bato ng papel*

AY POTA.

G: argh! *lingon* PROBLEMA MO?!
K: ano ka ba! Kanina pa kita tinatawag! Bingi ka ba?
G: huh? Ano daw?
K: ang sabi ko... PANGET KA!

Alam kong bingi ako, pero pag nababangit sa usapan ang salitang “PANGET”, bigla akong nagiging alerto. Sinasabi ko sa inyo, taboo sakin ang salitang yan. Ampota.

G: yan lang ba sasabihin mo? Anu ba yan, istorbo!
K: hindi! Tanga! Ipapaalala ko lang sayo yung gagawin natin this Friday!
G: err- oo na sige na! Sus, yun lang pala!
K: punta ka ha?
G: oo na!
K: pag hindi ka pumunta lag—

MR. ONG!

Oh noes. Sa dinamidami ng Prof na makakahuli sa kaniya, yung terror pa. Buti na lang di ako nahuli! Ang galing ko talaga umiwas sa sa mga ganyan hehehe. Ninja moves! Ok Mr. Ong, goodluck na lang sayo. GG ka ngayon. Muhahahahahahahahaha!

PROF: Can you solve this problem?

Dire-diretsong naglakad si Ken sa board na akala mo eh hindi kinakabahan sumagot sa board. Sus. Over confident masyado sa sarili. Kainis. Habang nagsosolve siya sa board, pansin ko panay bulungan nung mga fangirls niya.

Fangirl1: oh no... si fafa Ken ko... patay kay Sir!
Fangirl 2: sa tingin mo, masosolve kaya niya yung ubod ng hirap na problem na binigay ni sir?
Fangirl 3: wah... baka pagpawisan si Ken KO!
Fangirl: naku... kukunin ko yung whiteboard marker pag naiwan ni sir! Pang-E-EBAY ko yan!


Amp weird. Ebay?! As if naman may bibili nun! Ano yan, parang ginupit na buhok ni Bieber na ibebenta sa net? Amp akala ko si Bieber lang yung may obsessed fans. Si Ken din pala.

K: sir, i’m done.

Ui infairness ang bilis niyang mag-solve ah O_O Bumalik si Ken na akala mo eh walang nangyari sa kaniya. Wow, di siya takot sa Prof namin? Tapang ah.

PROF: well.. let’s see.

So chineck na ni Sir yung gawa ni Ken. Feeling ko tense na tense yung mga tao sa loob. Kinakabahan sila sa magiging resulta nung sagot ni Ken.

Maya-maya biglang humarap samin si Sir. Shet, nakakakaba din. Pati ako nahawa amp!

PROF: well Mr. Ong, tama ang sagot mo sa problem. Pero hindi porket alam mo na ang lesson ay pwede ka ng dumaldal at hindi makinig sa akin. Hindi ko tinotolerate ang mga ganyan sa klase ko.

Wooooooooooooooooooooah nasagutan niya yung sobrang hirap na problem na yun ng ganun kabilis tapos tama pa?! Teka, tao ba to?!?!?!?! O sige kaw na matalino! Yung mga fangirls ni Ken sobrang klieg na naman oh amp -___-

PROF: the next time that i caught you doing that, i have to FAIL on your next quiz. Understood?
K: yes sir. I'm sorry sir.

Fangirl 1: woah.. ang galing galing niya!!!
Fangirl 2: mas lalo na akong naiinlab sa kaniyaaa :x
Fangirl 3: ken koooo
Fangirl 4: ang marker ang marker ang marker.. kailangan ko makuha ang markerrr.....


Sobrang shock ko lang sa nangyari Paanong….

G: pano nangyari yun?!
K: well.. remember, may bloodline ako ng chinese. Magagaling ang chinese sa math dba?
G: ….
K: *wink*

Hmf~! At nagawa pa niyang magpa-cute! Pero infairness.... ang galing niya. Parang araw-araw, unti-unti niya akong napapabilib... OMG, ANO BA ITONG PINAGIIISIP KO?! ~X( *kamot sa ulo* EEEEEEKKKK~ gyaaaah woooooo askhjfdsskafgshdfjdskgldfhfgj

----------------




FRIDAY
6am

Nakakainis naman! Bakit ba kailangan ko pang magising ng maaga dahil lang sa kaniya?! Nakakanis talaga! Badtrip badtrip badtrip.

Mula nung nakilala ko yang Ken na yan, lagi na lang akong galit sa mundo. Feeling ko maaga akong tatanda nito… Ang panget panget ko na nga, tapos dadagdagan pa ng eyebugs! Lalo akong mawawalan ng pag-asa magka-love life nito eh dahil stressed na stress na itsura ko :(

Gusto ko sanang umidlip sa jeep kaso pag ginawa ko yun, baka di ako magsing tapos lumagpas pa ako sa bababaan ko. Potaena naman this. Buti na lang at wala masyadong traffic kaya nakarating ako sa kanila! Maaga pa ako ng 10minutes! May pa 7sharp 7sharp pa kasing nalalaman eh. Dami talagang alam.


*DING DONG*


Hmp. Tapos siya naman tong mabagal magbukas ng gate. Kainis!


*DING DONG*


Naman naman naman... ang tagaaaaaal.

DING-

Wow saw akas may nagbukas na ng gate. After 10 years.

K: BAKIT NGAYON KA LANG?!
G: anong “ngayon ka lang” ka jan? Ang aga pa kaya! 10 to 7 pa lang oh! *turo sa watch*
K: anong 10 to 7? Diba sabi ko sayo, 7 sharp! Eh 7:05 am na ah!
G: ano?! *tingin sa watch* eh bakit sakin 6.51 am pa lang?
K: tanga kasi yung watch mo. Parang yung may-ari.
G: aba! At ang yabang mo naman! Sakin mo pa sinisi kung bakit ako nalate! Parang ang big deal naman ng pagkaka-late ko! Eh 5minutes lang naman yun ah!
K: sus. Eh totoo naman diba? Tara na nga! Nang maaga tayo matapos.
G: tss.. epal!

Gusto ko pa sana siya sagutin kasi totoo namang wala pa 7am nung nakarating ako eh. Kaso ano pa nga bang magagawa ko, siya Boss ko at isa laman akong hamak na PA niya. Pero Dyosa na PA ha? Hehehe. K.

G: eh wala namang nagbago sa bahay mo eh. Magulo pa rin!

Pero joke lang yun. Ang totoo niyan, sobrang linis ng bahay niya. Sobrang organized niya sa gamit niya. Parang germ free nga eh. Hehe.

K: ang yabang mo ah. Lagi lagi ko yan pinapalinis sa hina-hire kong katulong no! At isa pa, ayuko sa dumi.
G: ang arte mo!
K: wag mong sabihin gusto mo ng dumi?
G: hindi.
K: yun naman pala eh. Sino ba naman kasing tanga ang titira sa bahay na madumi? Unless kung kasing tanga mo yung taong yun. Ha! No wonder. Tsk tsk tsk.
G: ang kapal naman ng mukha mo! Hindi ako kasing baboy mo no!
K: sus! Baka pag nakita ko pa yung loob ng kwarto mo, baka may makita pa akong nakasabit na bra at undies sa kama’t drawer mo. YUCK!!!
G: argh! KAPAL MO!

Sa sobrang asar ko sa mga sinabi niya, bigla kong nasapak si Ken sa braso niya. Buti nga sa kaniya!

K: aray! Ang sakit nun ah!
G: bagay lang sayo yun! Eto pa!

Sabay sinundan ko naman ng suntok! Hmp!

K: aba! Sumosobra ka na ah!

Bigla niyang tinaas yung kamay niya na parang sasapakin na din ako ng biglang tumunog yung doorbell. GRABE KALALAKING TAO MAKIKIPAGSAPAKAN SA BABAE?! Bading pala to eh!

K: pasalamat ka’t... HMP!
G: BLEH! >:P

THANK GOD! Nailigtas ako nung bell! Kung sino man ang taong iyon, THANK YOU!

So habang hinihintay ko siyang makabalik, nagpunta muna ako sa salas nila. Isa-isa kong tinitignan yung mga picture frames na nakapatong sa divider niya. Ang dami kasi. Wala lang. Habbit ko lang talaga tumingin ng mga pictures sa tuwing bumibisita ako sa bahay ng mga tao tao.

Grabe sa gwapo tong hinayupak na to. Naku! Kung mabaet lang siguro to, baka isa na rin siya sa mga kinahuhumalingan ko. Kaso... ang yabang yabang yabang yabang... times 2 times 2 times 2! SOBRA! Hmp!

Kahit kalian hindi ko talaga siya magugustuhan. EVER.

K: HUI BABAE!

Ay pota nagulat ako doon ah! Di ko na namalayan nakatitig na pala ako doon sa isa niyang picture amp. Kinukulam na yata ako.

G: argh! Ano?!
K: pasalamat ka sa gardener namin. Kung hindi dahil sa kaniya, baka nasapak na kita.
G: *umarte* Manong, maraming salamat sa pag-save –save mo sa aking buhay.. utang na loob ko sa iyo ang lahat! Manong, I LOVE YOU! *flying kiss* MWAH!
K: YUCK YUCK YUCK YUCK! Pwede ba? Tumigil ka na! Nakakadiri ka!
G: *umaarte. nangsseduce* bakit... gusto mo din ba ng kiss ko? Mwah mwah mwah mwahhhhh
K: EWW! MANGDIRI KA NGA!!!! :-& *iwas sabay layo* doon! Doon ka sa guest room maglinis! Ayusin mo ng maiigi yung kwarto. DALI! SHOOPI!
G: ok! *malagkit na tingin*
K: urgh, nakakadiri! Wag mo nga akong tignan ng ganyan!
G: *malagkit na tingin*
K: EEWWW!! *walkout*
G: lol. Nakakatawa mukha mo haha.
K: eh kesa naman sa mukha mo. Nakakatakot.
G: K.

Pag talaga nagsasalita na tong lalaki na to, ang sarap talaga manapak eh, Kung pwede lang talaga. ARGH. Patience Grace.. Patience.

----------------




So nandito ako ngayon sa loob ng guest room niya. Isa isa kong sinisinghot ang bawat alikabok na nasa loob ng silid na ito. Potaena lang.

G: ano ba yan! Ang daming alikabok! o_O

Ito na yata yung pinaka-maduming parte ng bahay niya eh. Akalain mong yung bedsheet eh halos mangitim na sa dami ng alikabok. Tapos nangangamoy luma pa yung kurtina dahil sa tagal na di na to napapalitan. Yung drawer naman sa tabi nung bed punong puno ng mga libro na napapatungan na din ng sobrang kapal na alikabok.

Habang isa-isa kong tinatangal yung mga libro, biglang pumukaw pansin sakin yung isang album. Aba.. jackpot. Album to ng baby pics ni Ken ah. Haha!

G: woah... ang daming baby pics! Hahaha! *kuha pic* ang panget niya dito! :]] *laughs* at ito pa! =)) at itooooo *kuha pic* ang cute niya dito!

Grabe ang dami kong tawa dahil sa mga pictures niya. Muntanga kasi yung iba. Grabe narealize ko lang na nung mga bata pala tayo feel na feel nating pumose sa pictures no? Hahaha. Nakakatawa. Minsan pala sa mga buhay natin eh may nagawa tayong kahihiyan sa buhay at nauto din tayo ng mga magulang natin. Hahaha.

Hindi lang pala ito yung album sa loob nung drawer. Meron pang iba. Yung ibang pictures na nakita ko eh yung vacation pictures nila ng family niya. At wag ka, sosyalin na bata. Mga around 5 years old pa lang siya nung nabisita niya na si Eiffel Tower!

G: wow grabe! Ang ganda ng Eifel Tower! Tsk. Buti hindi siya tinulak ng katabi niya

May nakita din akong group pictures ng barkada niya nung highschool siya. Some family pictures again. Habang isa-isa kong binubuklat yung album, biglang may nahulog na kumpol-kumpol ng pictures. Pansin ko lang parang si Ken lang ito at may kasama siyang chix. Feeling ko nakita ko na somewhere yung girl.. I just can’t recall kung saan….

G: hmm.. san ko nga ba to nakita... *think think think think* AHA! Siya yung babae sa frame sa baba!

Sure akong siya yung babae doon sa picture. At aba, ang dami pala nilang mga pictures! Meron kasi akong nakita doon na frame nila ni Ken pero sobrang nasa sulok siya and medyo tago. Basta, halatang nakatago yung frame. Weird din ni Boss eh no. Padisplay display pa siya nga frame, nakapatong naman sa sulok amp.

Ang sweet nila sa picture. Parang sobrang saya nila. Yung smile nung girl halatang kinikilig siya. Infairness naman, photogenic siya. Maganda siya actually. Bagay nga sila eh. May pagka-sweet din pala si Ken no? Kung makikita mo tong mga pictures na to, hindi mo aakalain na ganito NOON si Ken. Anyare kaya doon at bigla siya naging monster?? Haha.

Bakit nama kaya sila nag-break? Eh mukha namang super happy couple silang dalawa. Siguro maagang na-realize nung girl na may pagka-abnormal na tao si Ken kaya sila nag-break. Hehe joke.

May letter pala sa likod yung isang picture nila.

Quote
Pare,

Ingatan mo to ha?
Mahal kita Lea... mahal na mahal..
Sobrang sobra..
Sana, wag mo akong kalimutan...

Ken

Lea? Yun pala yung name nung girl.. sobrang pretty niya... teka, bakit “pare”?! O_O tibo? Hmm.. posible... Mukha naman eh. Sa pananamit pa lang niya.

So after ko tignan yung mga pictures eh isa-isa ko siyang binalik sa kani-kaniyang album. Kahit yung mga kumpol-kumpol na pictures nila ni Lea eh isa-isa kong nilagay sa albums kung may slot pa. Habang inaayos yung pictures, may nakita akong solo picture ni Ken na feeling ko eh highschool pa siya nito. Ugh.

G: oh my... ang gwapo...

Graduation Picture ni Ken nung Highschool pa siya. Shet. Shet lang. Ito yung isa sa mga naka-display na picture niya sa baba eh. Yung natitigan ko lang naman ng medyo matagal kanina -___- Ang gwapo niya dito. O sige, aminado akong gwapo naman siya pero dito sa picture na to, ang gwapo niya talaga. Parang ang bait niya din dito. Parang ang sarap gawing crush pero hindi. Labo eh no.

Hmm.. kunin ko kaya to? Panakot ko sa daga or pangkukulam ko... Hehehe.

Quote
GRACE’s IMAGINATION
K: pls Grace! Pls! Patawarin mo na ako! :[[
G: MUHAHAHAHHA *witch laugh* dahil sa ginawa mong pang-aapi sa akin noon, pwes! Ito na ang araw na pinakahihintay ko.. ang makaganti sayo! Muhahahahaha kukulamin kita! Muhahahaha

Isa-isa kong tutusukin yung karayom sa voodoo doll version niya at habang ginagawa ko yun, sisigaw siya at mag mamakaawa sa akin!

K: Grace! Wag.. tama na! Nakikiliti ako!!! *tawa*Gagawin ko ang lahat wag mo lang akong saktan! *tawa*
G: muhahaha kahit ano?
K: oo! Kahit ano! *tawa*
G: sige nga, kiss mo nga yung gardener niyo!
K: wah?!

Out of nowhere, biglang lumabas si manong sa eksena. Naka-pout na ito at ready na sa halik ni Ken

K: eeeeeeeeeehhhhhh?!?!?!?!?!
G: ayaw mo ata eh? *tusok picture*
K: *tawa* sige sige *tawa* [/colorg]agawin ko na! *tawa*

At ginawa nga ni Ken... hinalikan niya si Manong.

G: muhahahahahahhahahahahahaa *evil laugh*


G: muhahahahahahhahahahahahaa

Mukhang masaya nga iyon! Hmm.. hindi naman niya siguro mamamalayan na kukuha ako ng isang picture niya eh.. heehee *ibinulsa ang picture* tsk tsk, masyado na akong naaliw sa mga pictures na to. Maglilinis na nga ako! Lalalalala~

----------



After 5hours of cleaning...

Ayan! Sa wakas, nalinis ko na rin ang buong kwarto!

*kumikinang sa kalinisan ang kwarto*

*tingin sa watch* alas-12 na pala ng tanghali o_O hai.. gustom na ako T_T Total naman tapos na ako sa ginagawa ko, makalabas na nga ako dito.

G: HOY!

Hahaha muntanga lang eh. Nagulat siya kaya medyo napatalon siya nung sumigaw ako. Hahaha!

K: argh! Ano ba?! Bakit ba bigla ka na lang nangugulat?!
G: ilang kape ba ang iniinom mo at masiyado kang magugulatin?
K: *balik sa pagluluto* nagsalita ang hindi.
G: tsk. Oi, tapos ko na linisin yung kwarto.
K: sigurado ka? Baka naman pag-check ko eh magulo pa rin yan. Tapos yung mga alikabok, sinisiksik mo lang sa sulok sulok. *concentrate sa pagluluto*
G: sus, nagsalita ang magaling. Eh kaw nga tong hindi marunong mag-ayos eh.
K: oo na!
G: ano pang ipaguutos mo mahal na prinsipe?
K: ahm.. gutom ka na ba?
G: ano sa tingin mo? *sandal sa fridge*
K: hindi pa.
G: tao ka ba?!
K: oo. *concentrate pa rin sa pagluluto*
G: tss. Tao din ako eh.
K: oh?! Talaga?! Tao ka pala?! Anong konekyson? =|

May nakita akong sandok sa tabi ko tapos pinukpok ko yun sa ulo niya. Bale nakaka-tatlo na ako sa kaniya sa araw na to. Muhehe.

K: aray! *hawak sa ulo* bakit mo ginawa yun?!
G: tao rin ako. Napapagod, nagugutom.
K: eh anong gusto mong gawin ko?

Nakakatawa itsura niya :)) hinihimas himas niya ulo niya habang may hawak siyang sandok. Muntanga lang eh. Tapos bumalik na ulit siya sa pagluluto niya. Epal talaga.

G: pagpahingain mo naman ako.
K: ha?! eh ikaw itong nagtatanong kung anong susunod mong gagawin eh. Parang ayaw mo pa yatang kumain. *luto luto* tapos ako pa tong kakaltukan mo ng sandok.
G: sus naman, namilosopo ka na naman!

Tumigil ulit sa pagluluto si Ken then humarap siya sakin. Then he smiled,

K: pero gutom ka na nga?
G: daaaah MALAMANG!

Oh my god, yung ngiti niyang yun.. bakit para akong kinilig? Err I mean, ang ganda nung smile niya. Ok. Yun lang yun.

*guuuuuurrrr*

Ok ayaw makisama nung tyan ko. Biglang nagparamdam. Pakainin mo na daw kasi yung mga pets ko sa abs ko!

K: oo nga. Halata nga. Nagwawala na mga anak mo sa loob.
G: ewan ko sayo!

----------



Adobong Manok, vegetable salad at iced tea ang nakahain sa table. Waaaaw ang saraaaaap. Lalong na-excite yung mga alaga ko sa abs ko. Shet.

G: ikaw lahat nagluto nito?
K: ahem! Siyempre B-)
G: ooh. Kaya pala HINDI masarap!

Ok. I lied again. Twice ko ng ginawa to sa araw na to. Lord, patawarin niyo po ako..

K: hindi pala masarap eh.. edi wag kang kumain! Ibibigay ko na lang yan kay Kuya Dan.
G: hmf! Hindi bale na nga lang. Mapag-TYATYAGAAN pa naman to eh.
K: ang yabang mo talaga! Kumain ka na nga lang jan!

So isa-isa kong tinikman yung ulam na luto niya. Infairness lahat sila masarap. Ang galing din pala niya talaga magluto ano? Bilib na ako sa kaniya.

Yung adobong manok yung pinaka-nagustuhan ko eh. Ang sarap kasi. Susubo na sana ulit ako ng biglang may napansin ako sa ulam ko…

Potaena,may pinya sa ulam ko. To tell you the truth guys, hindi ko talaga hileg ang Pinya. Bago ko pa nakilala si Ken, hindi ko na talaga gusto kumain ng Pinya. Nataon lang talaga na mukha siyang pinya, tapos ayaw ko din sa Pinya. :D

G: err.
K: anong ginagawa mo?
G: hinihiwalay ko yung pineapple.
K: huh? Bakit? May allergy ka?
G: nope. Ayoko lang talaga ng pineapple.
K: eh? Masarap kaya!

Tumusok ng isang pineapple si Ken tapos sinubo niya na akala mo takam na takam ako. Nakaka-g@go lang eh.

K: mmm~ sarap!
G: ..... EWW.
K: =|

Kadire lang.

K: so hindi ka pala mahilig sa pineapple.
G: yeah. Ayoko ko kasi nung lasa eh. At tsaka...

Tinitigan ko siyang maigi. Kahit anong titig gawin ko… hawig talaga niya eh.

K: huh?
G: .....mukha ka kasing pineapple kaya mas nagkaroon ako ng dahilan para hindi kumain ng pinya.
K: WHAT THE—
G: yosh~! Natangal ko na lahat ng pinya sa ulam ko. ITADAKIMASU~!
K: grr~ sa susunod na magluluto ako at kakain ka, DADAMIHAN KO NG PINYA PARA HINDI KA MAKAKAIN!
G: :3
K: grrr.
G: oh by the way, saan ko pala ilalagay yung mga box doon sa guestroom?
K: sa may bodega na lang. Magpatulong ka na lang kay Kuya Dan.
G: oh, errkei.

So ayun tahimik na kami ulit habang kumakain. Inoobserve ko siya habang kumakain siya. Grabe takam na takam talaga siya sa Pinya. Eww talaga -_____-

K: Nakita mo?

Bigla niyang binasag yung silence. Shet. Napansin kaya niyang pinapanood ko siya???

G: ung alin?
K: yung mga pictures.
G: Oh. Yea. Why?
K: ano mga nakita mo?
G: edi yung pictures mo. Family picture. Baby picture. Highschool Picture. Yun lang.
K: yun lang talaga?
G: uhm.. meron pa pala. Yung picture mo with a girl

Pagkasabi ko nun, bigla siyang tumigil sa pagkain niya. Ano kayang meron sa picture na yun at nung nabangit ko eh parang affected siya??

K: oh.. so nakita mo rin pala pati yun.
G: yup. Ang mushy nga nung message sa likod eh XD
K: note? What note?
G: ano nga ba yung nakasulat doon.. hmm parang ganito eh: “ingatan mo toh.. blablabla mahal kita Lea.. mahal na mahal... blablabla” *laughs* so mushy ha. Parang hindi ikaw :]]
K: what the..
G: so... Lea’s her name huh?
K: uhuh
G: ano mo siya? --,
K: basta... wag mo ng alamin.

Hmm. Feeling ko talaga may something eh. Obvious naman doon sa note na may past sila pero syempre mas maganda pa din kapag kay Ken ko mismo malalaman diba?

G: hmm... *susupicious look*
K: YUCK! ANONG GINAGAWA MO?! *vomit*
G: Mahal mo siya ano? *suspicious look* tama ako ano? --,
K: urghh.
G: *suspicious look*
K: hai... siguro.. siguro nga...
G: oh...

Lol weird. What is this weird feeling na bigla kong naramdaman. Parang may kirot sa puso ko pero wala naman akong sakit sa puso. Hindi kaya epekto to ng pagkain ko ng Adobong Manok?? Err. Ouch.

G: o. Edi ligawan mo

So bakit parang ang bigat sa pakiramdam sabihin yung mga salitang yun? Amp.

K: huh?! Err.. hindi ko alam! Aishhh wag na nga natin siyang pag-usapan!
G: ikaw kaya nag-open ng topic :l
K: ako ba?!
G: uhuh
K: hindi ah. Ikaw kaya.
G: bakit ako?!
K: tinanong ko lang naman kung anong pictures nakita mo eh. tapos tinanong mo na lang bigla kung ano ko si Lea.
G: sinagot mo naman :3
K: tsss.. WHATEVER!
G: whatever ka jan. Haha
K: sus. So..

Biglang nag-iba yung mood nung Pinya. Galing din niya eh no?

K: ang gwapo ko sa mga pictures no? B)

Ampota nabilaukan ako sa sinabi niyang yun ah. True Story! Napainom pa nga ako ng tubig ng di oras eh. Amp nakakadire lang.

G: pwede ba Ken, wag kang magsalita ng ganyang mga nakadidiring bagay sa hapagkainan! Hindi mo ba nakikitang kumakain tayo?!
K: oh? Eh ano namang koneksyon niyan?
G: baka mawalan ako ng ganang kumain niyan.. konding konsiderasyon naman.
K: ay ang kapal! Bakit, totoo naman ah!
G: totoo ang alin?
K: na gwapo ako
G: oh comm’n.. nagsalita na naman ang mahiwagang pinya...
K: aysus! If i know, dumekwat ka ng picture ko eh.
G: *gulp* HAHA! In your face! Kapal mo!

Shet. Guilty ako! Amp. Ano ba yan. Pero kaya ko lang naman kinuha yun kasi… para ipakulam ko siya! Yun lang!

K: hay naku.. baka hindi na ako makatulog sa gabi niyan kasi tinititigan mo na yung picture ko gabi-gabi. Hai... pag gwapo ka nga naman. Baka lumaki eyebugs ko niyan dahil sayo ha.
G: a-suhhh
K: aysus. Baka nga ipakulam mo pa ako eh. Love spell pa kamo.
G: ABA! At paano mo nalaman?!
K: naku, itsura mo pa lang, mukha ka ng mangkukulam eh.
G: ah ganun? Ok sige mamaya kukulamin kita. Papapangitin kita.
K: oooh scary. Corney mo ha.
G: mas corney ka.
K: hai naku. Bilisan mo na nga lang kumain jan ng makapag-trabaho ka na!
G: oo na!

Di na ulit kami nagpansinan. Ang tahimik. Parang may anghel na dumaan.

Ano ba to. Nakakainis parang biglang nag-iba yung mood ko. Hind ko alam kung nag-iba dahil sa Adobong Manok na may madaming pinya o dahil sa napagusapan namin kanina eh..

Si Ken... mahal pa rin si Lea....


0 comments:

Post a Comment