Tuesday, July 12, 2011

CHAPTER 35: Knight in Shining CAR

Mataas na yung araw at grabe sa tagaktak yung pawis ko. Feeling ko I burned a lot of fats sa katawan ko dahil sa ginagawa ko amp.

Nagawa ko na lahat ng dapat kong gawin. Naglinis na ako sa garage. Nagpalit ng pillow sheets. Nagbuhat ng mga gamit na itatapon na. Feelin ko nga ang macho ko na eh. :| Mag-gagabi na nung natapos ako sa paglilinis.

G: HOOOY!!! Ok na ako dito!

Inisa-isa ni Ken icheck yung mga parte ng bahay na nilinis ko. Sus. Wala pang tiwala sakin eh.

K: ows talaga lang ha? Baka naman siniksik mo lang yung mga alikabok sa gilid gilid ha. Mamaya niyan pag upo ko sa sofa eh bigla akong mapulbusan ng mga alikabok.
G: *tingin ng masama* aysus! Kaw na nga tong nag-uutos eh! bahala ka na nga jan sa buhay mo!
K: hala, galit na yung pangit. Ay pikon!
G: duh, ngayon mo lang nalaman?!

Kairita talaga puro na lang talkshit lumalabas sa bibig ng lalaking yan. Sarap i-flush!

K: pikon na, masungit pa! Kaya walang nagkakagusto sayo eh. Eh kasi naman, pangit ka na, bingi na, bulag pa! Tanga na masungit na pikon pa! Haiiiii lahat na yata ng kapangitan at kapintasan nasa sayo na eh.

Ano daw?! Ang kapal din ng mukha talaga ng Pinyang to eh! Kanina lang nagtitimpi ako eh pero talagang di ko na kayang magtimpi lalo na’t kanina pa ako asar na asar sa hayup na to! TENGENE LENG EH.

G: eh ikaw! Feeling gwapo ka, eh kay pangit mo naman! Ang yabang yabang at ang kapal pa ng mukha! Pikon ka rin naman eh. and oh, MASAMANG TAO KA! At least never kong sinabi na maganda ako dba? Kaya hindi mo ako pwedeng sumbatan! Hindi tulad mo na self proclaimed gwapo pero ang totoo, PANGIT KA NAMAN. Pangit both inside and out!

Ok nadala ako ng bugso ng damdamin at nasabi ko lahat ng yun. Feeling ko sapol na sapol kay Ken lahat ng sinabi ko. Biglang nag-iba yung expression sa mukha niya. Mukha na siyang monster!

K: ABA! Ako? MASAMA?! Baka ikaw! At isa pa, kaya naman ako ganito kasi may maipagyayabang ako. Hindi tulad mo na wala!
G: ako? Bakit? May ipinagmamayabang ba ako?! Pwede ba! Hai naku! Maka-alis na nga! Ganito lang pala mapapala ko matapos mong alilain buong araw. Mabuti pa ngang umalis na lang ako!

Grabeee imbes na magpasalamat sakin eh ako pa itong nilait! Walang utang na loob! Paker!

K: at bakit? Utang na loob ko pa ba sayo na tinulungan mo ako sa bahay? Diba USAPAN natin na sa bawat UTOS ko eh susunod ka? Kaya bakit naman ako magkakaroon ng utang na loob sayo aber? Don’t expect me to thank you for all the things you’ve done today.
G: Yea right! And who told you that i am going to ask for your “Thank You”?! nahh

DAMN THAT GUY! DAAAAAAAAAAAAAMN! BADTRIP. SARAP MAKIPAG-SUNTUKAN SA LALAKI NA TO. Sakto, I just gained muscles sa pagbubuhat. Pwedeng pwede ako makipag-sapakan sa kaniya. Pota badtrip talaga!

Padabog kong sinara yung gate niya. Pota. Nang madama naman niya kung gaano ako kagalit sa kaniya. BV talaga!

So habang mag-isa kong tinatahak ang landas pauwi eh nagmuni-muni ako sa mga nangyari. Nag-away na naman kami ni Ken at SUMOSOBRA NA TALAGA SIYA. Pero kung sa bagay, hindi ko din naman siya masisisi... totoo naman lahat ng sinabi niya. Panget ako, bulag, bingi.. buti nga at hindi ako PIPI eh. Sa daldal ko ba namang toh? Tss.. tanga na pikon pa daw ako.. ako?! Pikon?! Hindi naman ah! Siya nga itong pikon samin eh. Pfrtt~!

Kelan kaya ako magkakaroon ng moment sa kaniya ng hindi nalalait, inaaway at napapagalitan nun? Sa araw araw na ginawa ng Diyos, ni isang beses hindi pa kami nagkakausap ng maayos. Lagi na lang pasigaw. Lagi na lang ako inaaway. Lagi na lang barahan.. Nakakasawa na. Parang araw araw na lang may gyera eh. Kung pwede lang sanang hindi na magpakita sa kaniya habang buhay eeh..*sigh* teka.. nasaan na ba ako..?

Sa sobrang lalim ng iniisip ko, hindi ko na namalayan na lumagpas na ako sa bababaan ko dapat. Ano ba yan, masyado ko yatang dinibdib yung away namin ni Ken. Nakuuu~! Ang tanga mo talaga Grace!

*BEEP BEEP*

Ayun sakto may jeep! manong para po! Para!!

Buti na lang at may dumaan na jeep. Grabe kakaisip ko sa mga hindi importanteng bagay, naligaw tuloy ako.

Sa sobrang pagod at antok ko, feeling ko gusto ng bumagsak nung mata ko. Gusto ng pumikit. Gusto ng magpahinga….





Ay pota. Asan na ba ako? Putek lumagpas na naman ako?!

G: Manong Bayad po! Sa may LRT lang po ako.
MANONG: ah eh iha, namali ka yata ng nasakyan na jeep. Hindi ito dadaan ng LRT.
G: eh.. ho?! Eh ano po ba itong nasakyan ko?
MANONG: Quiapo itong nasakyan mo iha.

Ay fuuuuu ligaw part 2? Shet. Ano ba naman tong araw na to napakamalas ko nga naman oh. Maling jeep pa yung nasakyan ko! Pakshet naman oh.

Bumaba ako doon malapit sa isang convenience store. Sakto may mga upuan kaya doon muna ako tumambay at nag-isip ng gagawin. Hai naku ang malas naman talaga oh. Lagi talaga akong minamalas kapag kasama ko si Ken! I mean, pag nakakasama ko siya. KAINIS!!! At ngayon, hindi ko na naman alam kung saang lupalop ako ng mundo napadpad! Wah~! Di pa man din ako marunong mag-commute sa mga unknown places... potaena panic mode na ako.

Don’t panic.. don’t panic.. hinga ka muna ng malalim Grace at magisip ng paraan.. Umupo ka munda Grace at mag-isip. Calm down lang..*hinga malalim* now, think think think.

*BZZ*

Quote
1 text message received
A: oi babae! Punta ka dito sa bahay. Nandito ngayon sina Anna at Mae. Tambay lang

Naman..*kamot ulo* naliligaw na nga ako eh, may gana pa silang magyaya sakin. Huhuhu =(

Quote
G: oi bakla! NAWAWALA AKO! Halppp~

Message Sent

Hai.. sana mareceive niya yung text ko. Kelangan ko talaga ng tulong nila. =( naku sa susunod na mapapadpad ako dito, kelangan may taga-sundo na ako nang hindi na ako maligaw. Huhuhu

Quote
1 text message received
A: oh bakit? Nasaan ka ba ngayon?
G: Rearview highway daw sabi nung tinder eh. Dali.. natatakot na ako dito.. ako lang kasi mag-isa at baka may mga rapist dito huhu

Message Sent

Waaah buti na lang pala at may load pa ako. At talagang kinakabahan na ako dahil medyo late na. Nakakatakot yung mga tao dito sa paligid ko. Mukhang mga goons and rapist. Naku sana may sumundo sa akin dito huhuhu =( natatakot na talaga ako :-ss baka mamaya may biglang lumapit na rapist sa akin dito o kaya holdaper.. or kidnaper! Nakuuu wala kaming pera pantubos =(( luging lugi sila pag ako biniktima nila. Makukulong na nga sila, wala pa silang mapapakinabangan sakin! Ay syete ano ba tong pinagiiisip ko?!

Teka.. lumipas na yung 15 minutes ah.. bakit hindi nagrereply si Anna? OH MY! Paano na ako?! Wala ng susundo sakin? PAANO NA ANG FUTURE KO?! Na-papanic at the disco na ako... =( goodbye parents.. goodbye lola.. goodbye sibs.. goodbye sa mga kaibigan ko na nandyan palagi sa tabi ko para tulungan ako.. Anna, Mae, Collin... paalam sa mga teachers ko na laging nandyan para turuan ako kahit pa na lagi ko silang tinutulugan... byebye Jared.. kahit saglit lang tayo nagkakilala, narealize ko na napakabuti mo talagang kaibigan... at goodbye sa aso ko na si Poochie... goodbye school, goodbye house, goodbye pav... goodbye Ken... WHAT?! Ano ba itong pinagiiisip ko?! ERASE ERASE ERASE!*shakes head* huhuhuhu *panic mode*

MANONG: Miss, nag-iisa ka yata?

Taena biglang may lumapit sakin na manong na around 40s ang edad. Sa unang tingin pa lang di mo na agad siya mapagkakatiwalaan. Fuuuu.

G: ha—ha?
MANONG: kanina ka pa kasing nakaupo jan.
G: hi- hindi po. May hini-hinihintay lang po a-ako..
MANONG: naku, mukhang hindi na yata dadating yung hinihintay mo Miss. Sumama ka na lang sakin. May alam akong lugar na masaya.
G: hi- hindi na po. Salamat na lang po.

Papasok sana ako sa loob nung convenience store kasi potangena, nakakatakot talaga tong lalaking hukluban na to eh. Kaso bigla niya akong hinawakan sa braso that made me more scared to death!

MANONG: halika na miss, wag ka ng magpumilit!
G: a-ayoko po talaga~

Ano ba itong manong na ito! Ayaw akong tantanan! Natatakot na talaga ako! Huhuhu.. pls.. help... natatakot na talaga ako... Sobrang lakas niya.. di ko kaya pumiglas sa pagkakahawak niya sakin. Shet, ano ng mangyayari sakin??? At akalain mo nga naman, wala ng sinasanto yung mga rapist ngayon. Kahit pangit bibiktimahin na nila!

MANONG: halika na sabi eh. Doon tayo sa lugar na alam ko. Masaya talaga doon!
G: aray ko! Bitawan mo ako! Ayoko sabing sumama eh! Ayokong maging masaya kaya wag ako ang isama mo! EMO AKO! EMO!

*BEEP BEEP!*

Manong: *nagulat* nakupo~!

Woah! Anong nangyari? Bakit biglang kumaripas ng takbo yun? Teka, bakit nagawa ko pang magreklamo? I was saved! Jusko po... muntikan na ako doon... buti na lang may dumating... teka, nanghina ako doon...*napaupo sa sahig* nanlambot ako doon ah... muntikan na akong matangay nung manong. Muntikan na akong mapahamak.. muntik muntikan na talaga... ang bilis ng mga pangyayari... nanghihina ako..

Bigla kong narinig yung pinto nung kotse sa harap ko na nagsara. Gusto ko sanang magpasalamat sa kaniya pero di ko magawa. Di ko magawang makatayo dahil hangang ngayon takot pa din ako. Takot na takot..

Grace, Ok ka lang?

Parang pamilyar sakin yung boses niya... hi- hindi ko siya mamukhaan.. wla ako masyadong makita.. at tama ba ang rinig ko? Tinawag niya ako sa pangalan ko?

Grace..?


Ayaw na tumigil nung luha ko. Shiit. Nakakahiya naman sa taong lumapit sakin. Pero wait, kilala niya ako? Hindi ko siya mamukhaan dahil medyo nanlabo mata ko dahil sa luha. Huhu

Grace, are you ok?

Nung medyo nahimasmasan na ako, saka ko lang narealize kung sino yung nasa harap ko..

G: JARED!

----------------



Tama ba yung nakikita ko?

J: Grace, are you ok?

Kaboses nga ni Jared...

J: Ayos ka lang ba? Nag-alala ako sayo bigla. Sinabi kasi sakin ni Anna na nawawala ka daw. Buti na lang at alam ko itong lugar na toh.

Mukha nga ni Jared...* stare*

J: ahm, Grace? You ok?

*stare*

J: hey!
G: JARED! * sobs*

Di ko alam kung bakit, pero bigla na lang ako napayakap kay Jared. Sa sobrang takot at kaba ko kanina, hindi ko na napigilan sarili ko maiyak. Grabe lang yung takot ko kanina. As in sobrang takot ko kanina. Feeling ko katapusan ko na talaga!

G: Jared!!! =(( *sobs* may lalaking lapit ng lapit sakin kanina! *sobs* pinipilit niya akong sumama sa kaniya.. *sobs* hinawakan niya ako ng mahigpit sa kamay ko.. tapos.. tapos... hinahatak niya ako.. tapos tapos....

Habang nagkekwento ako, hinahagod ako ni Jared sa likod para tumahan na ako sa pag-iyak. At mas lalo pang humihigpit yung mga yakap niya sakin..

J: oh, wag ka na umiyak. Nandito na ako, wag ka ng matakot..
G: Jared...

si Jared, si Jared ang Knight in Shinning Armor ko. Ito din yung pangalawang beses na tinulungan niya ako..

J: wag ka ng umiyak =)

Bawat luha sa pisngi ko eh pinunasan niya para mawala na yung mga luha ko. Naglabas siya ng panyo tapos binigay niya yung sakin. Nakangiti pa siya habang inaabot sakin yung panyo. Nakakawala ng kaba at takot yung mga ngiting yun. Ang sarap… tignan.

Kinuha ko yung panyo niya at pinunas ko sa luha ko. Ang bango ng panyo niya..

J: tara, sumama ka sakin. May alam akong lugar na masaya. Masaya talaga doon! Sigurado ako, sasaya ka! =)
G: * stare*
J: oh? Bakit?
G: yan din yung saktong sinabi nung manong sakin kanina eeh!!
J: hahaha! Ganun ba?
G: * stare*
J: uhmm, malay mo, kasabwat ako nung manong na yun kaya siya kumaripas ng takbo nung nakita niya ako kasi ako yung Boss niya
G: * stare*
J: haha! Wag mo akong titigan, alam kong gwapo ako! Haha!
G: Naku itong lalaking to, habang patagal ng patagal kaming nagkakakilala, lumalabas din yung kulay niyang dugo! Hmp~! Mayabang din! * stare*
J: haha, naku baka iniisip mo na katulad ako ni Ken na MAYABANG ha? Joke lang yun
G: * stare* *stare* *stare*
J: haha! Halika na nga, sumama ka na sakin!
G: oh~!

Bigla na lang ako hinatak ni Jared papunta sa kotse niya at dali-daling nag-drive. Ewan ko ba dito sa paa ko, bigla na lang sumunod. Pero kahit saan ako mapadpad, basta si Jared ang kasama ko... ayos lang sa akin. Dahil alam ko at sigurado ako na pag siya ang kasama ko... msaya ako....


0 comments:

Post a Comment