Friday, July 15, 2011

CHAPTER 36: Amusement Park

WOW!!!!

So kamusta naman ako. Parang kanina lang, takot na takot ako. Pero ngayon, sobrang saya ko na. Sino ba naman ang hindi mag-eenjoy kung dadalhin ka sa amusement park, diba? At take note, LIBRE PA! YAY!!! ^___^

J: haha, mukhang nag-eenjoy ka na ah =)
G: siyempre no! matagal na rin akong hindi nakakapunta sa mga amusement park kasi. Na-e-excite ako!!! ^^
J: well, tara na. Sakay na tayo sa mga rides!
G: YEA!!!!

So naisipan naming sumakay agad sa roller coaster. Syempre! Dapat doon agad kami sa makalaglag-lungs na ride agad para naman magising diwa namin XD

G: AHHH!!!! *raise hands in the air*
J: WOO!!!!! *raise hands in the air*

Wow~ ito yung pinakapaborito kong ride sa lahat, Roller Coaster! Mas madaming loops, mas masaya! Woo!!!! Ang sarap ng feeling lalo na kapag nakataas ang kamay mo sa Roller Coaster habang umiikot na siya sa loop!

Te- teka.. bakit parang... Si—si Jared... nakahawak na sa kamay ko... O_O

J: WOOOOO! *tumingin kay Grace* *smile*
G: eh.. eheh XD

Taena parang hindi lang lungs malalaglag sa ride na to eh. Pati yata puso ko malalaglag ng di oras >_<

*After the Roller Coaster Ride*
J: WOW! Ang sarap nun!
G: oo nga eh! Ang saya lalo na doon sa may loop!
J: yep yep! Haha!
J & G: HAHAHA!

Teka tapos na kami sa ride pero nakahawak pa din si Jared sa kamay ko. Err.. Ano bang dapat ginagawa sa mga ganitong klaseng sitwasyon? @_@

G: eh—ehe..*biglang bitaw*
J: *napatingin* oh..
G: eheh.. ahm.. tara!
J: saan naman tayo?
G: ahm..

Teka saan nga ba kami next na pupunta? Think think think.. para mawala agad yung uneasy feeling na toh X_X ang awkward kasi talaga waaah~

G:
tara! Doon tayo!*turo*
J: where? Oh! Are you sure na doon tayo pupunta?
G: *nod*
J: haha! Oooohkay :D

Ewan ko kung bakit ko tinuro yung Horror House na yun. Pero siguro mas maganda doon sa bahay na yun. Madilim. At least hindi niya makikita yung mga reactions ko. Nahihiya kasi ako.. X_X



*sa loob ng Horror House*

Mga Tao: HIYAAAAAAA~~~!!!!
G: WAAAAAAAAAAH!!!!
J: HAHAHA!
G: Bakit ka ba tawa ng tawa?! Hindi ka ba natatakot??
J: haha! Paano ako matatakot, eh natatawa nga ako :))
G: eh bakit? *nagulat* WAAAH!!!
J: nakakatuwa ka kasing tignan :D
G: *stare* *biglang may humawak sa braso* KYAAAA~
J: HAHAHAHA!!!! =))
G: KYA~! WAAAAAAH!

Grabe naman tong taong ito, hindi natatakot :| sobrang nakakatakot kaya dito sa loob! May mga suspicious looking specie na bigla bigla na lang babalandra sa harap mo, o di kaya biglang manghahawak sayo. Baka mamaya niyan, sa ibang parte ng katawan mo na humawak yung mga yun :| Tapos minsan bigla na lang sila sumusulpot sa harap mo. Ampopo naman.

Medyo dahan-dahan kaming naglalakad ni Jared. Eh kasi naman! Baka mamaya pag tumakbo kami eh may mantisod samin! Nung paliko na kami, biglang may humawak sa legs ko. Sa sobrang takot ko, napakapit ako ng di oras kay Jared.

Oh noes. Sana di niya maisip na minamanyak ko siya! Huhuhuhu

G: WAAAAAAAH!
J: oi oi oi, hinay hinay lang sa tili. Baka matakot sayo yung mga nananakot sayo =)) sila ang nananakot, hindi ikaw :))
G: huhuhu eh nakakatakot sila eh! *biglang may humawak sa likod* KYA~!

Hootaenang yan oh. Parang pinagsisisihan ko na pinili ko pa tong lintek na Horror House na to. Eh ni hindi ko nga sigurado kung makakalabas pa kami ng buhay dito eh! Waaaaah

J: UI! Wag mo naman sapakin yung manong! =))
G: eh nakakagulat eh!!!
J: hahaha! Halika nga dito-

Biglang naglakad pa-atras si Jared. Waah saan pupunta yun??

G: hui saan ka pupunta bakit--
J: ayan, wag ka ng matakot, ok? Nandito lang ako sa tabi mo. =)

Pumunta siya sa likod ko tapos bigla niya akong niyakap from the back.

Shet. Teka... bakit parang kinakabahan na naman ako... teka... ang akala ko pa man din pag nasa loob na kami ng lintyak na bahay na ito eh maiiwasan ko itong uneasy feeling. Pero ito na naman siya. Nararamdaman ko na naman.. nandito na naman... kahit saan ako magpunta, talagang hindi ako tinatantanan ng pakiramdam na ito... nararamdaman ko na naman siya..

Dug dug. Dug dug

J: oh, nanahimik ka ata?
G: ah.. ha?
J: mukhang di ka na natatakot sa mga nanggugulat sayo ah? :)
G: ha—ha? Haha, medyo nasanay na rin kasi ako na may nanggugulat satin..
J: hahaha =)

Ano ba ito... imbes na matakot at magulat ako.. napalitan na ng ibang pakiramdam. Hindi na ako natatakot.. hindi din nagugulat.. ki—kinikilig... Kinikilig na yata ako.


Mga 30minutes din kaming na-stuck sa loob. Sa awa naman ng Panginoon eh nakakita kami ng liwanag. Hinding hindi na ako babalik sa Maderpaken Horror House na yan! Amp!

J: hala, hindi ka na sumisigaw pagkalabas natin ah. Haha!
G: ha? Eh.. hehehe narealize ko kasi na hindi naman pala sila nakakatakot talaga XD
J: ganun?
G: o- oo XD

Lies. Alam niyo naman kung gaano ako natakot sa mga hudas na nanghahawak sa legs ko eh diba? Halos isumpa ko yung mga hudas na yun dahil panay hawak nila sa legs ko! At kulang na lang gibain ko yung buong Horror House para lang makasurvive ako. :|

J: tara, doon tayo!
G: saan?
J: basta, sumunod ka sakin =)

Bigla na lang akong hinatak ni Jared. Hindi ko alam kung san niya ako dadalhin. Pero hindi ko napigilan ang mga paa ko na sumunod sa kaniya. Kasi ang alam ko, masaya ako habang kasama ko siya eh.. at kahit saan ako mapadpad, basta siya ang kasama ko, paniguradong sasaya ako.. teka, nandito na yata kami sa tinuturo niyang lugar sakin kanina.

J: ang ganda ano? =)
G: WOW! Ang daming ilaw! Kitang kita yung buong city!

Dito ako dinala ni Jared sa super laking Ferris Wheel. Kumikintab sa ilaw ang ferris wheel. Kumukutikutitap ang mga ito. Kitang kita mo sa mga ngiti ng mga tao na napakasaya nila habang nakasakay sila dito. At katulad din nila, masaya din ako :)

J: alam mo ba, sa lahat ng rides dito sa amusement park, ito yung punaka-favorite ko? =)
G: bakit naman?
J: kasi dito, makikita mo yung buong lugar. Ang ganda diba? Ang liwanag. Makikita mo sa mga mukha ng mga bata, matatanda at nung mga nagdedate yung tuwa. Lahat sila nakangiti. At alam mo ba kung ano ang pinaka-gusto kong part dito?
G: ano?
J: pag nasa pinaka-tuktok na tayo, tumingala ka. Makikita mo yung sky, puno ng stars. Ang dami nila at ang sarap titigan. Masarap mag-star gazing dito. :)
G: iyon nga lang, nakakahilo =)) kasi umiikot itong ferris wheel eh =))
J: HAHA! Iyon nga lang :D pero pag sinuwerteng huminto ng matagal itong Ferris Wheel, tinitignan ko yung sky. Trymo, matutuwa ka panigurado :)

At sa hindi inaasahan na pangyayari, biglang huminto yung Ferris Wheel at nasa pinakatuktok kami! Espesyal pala itong Ferris Wheel na ito. Gawa sa salamin yung bubungan kaya kitang kita yung nasa taas. Tumingin ako sa taas. Tama nga siya, napakaganda ng sky! Kitang kita ko yung mga stars. Ang dadami nila! Napakaliwanag ng buwan, at wala masyadong mga ulap. Mas ma-aappreciate mo yung heavenly bodies kapag sumakay ka sa Ferris Wheel na ito. Pakiramdam ko, nakakalipad ako sa sobrang taas nito. Napakalapit ko sa langit. Feeling ko, kapag nag-stretch ako ng kamay ko, maaabot ko na yung mga stars..

J: anong ginagawa mo?
G: nag-sstretch XD
J: bakit? Para saan naman?
G: para makamingwit ako ng stars :D tignan mo oh, napakalapit ng stars satin :) ang gaganda ng mga stars ngayon!
J: *tingin* oo nga ano =)
G: o diba? ^^

Tumayo ako sa kinauupuan ko at nag-stretch. Ang sarap sa feeling! Feeling ko talaga anytime, makakamingwit ako ng stars . Feeling ko anytime, maaabot ko sila. ^_^

J: pero...
G: hmm? =)
J: para sakin, ikaw ang pinakamagandang star na nakita ko... at ikaw, ikaw ang pinakamalapit na star sa buhay ko...
G: eh- eh--? *stare habang nakataas pa rin ang mga kamay at nakatayo*

Ano daw? O_O Bakit bigla na lang siyang may sinasabing ganun sakin? Pinagtitripan kaya ako nito? AY!

J: GRACE!


Ano ba yan, biglang umalog yung Ferris Wheel! Na-out of balance ako, nakakahiya! X_X

J: Grace! Okay ka lang?!
G: oo—ok lang ako... X_X

Buti na lang nasalo ako ni Ken sa pagkakahulog ko. Pero......

Oopsie, wrong move! NAPAKALAPIT NG MUKHA NIYA SAKIN! OH MY! I could feel his breath touching my lips. I could almost kiss him sa sobrang lapit ng mukha niya sa akin. Sa sobrang lapit namin sa isa't-isa, nakikita ko kung gaano kaperfect yung facial structure niya. Ang gwapo niya. His eyes sparkling like the moon.. his nose na sobrang tangos.. And his lips na parang ang sarap halikan..

Akala ko, sa mga movies, drama sa tv, at kwento lang nangyayari ang mga ganitong scenes... Oh noes! At—at ang higpit ng pagkakayakap sa akin ni Jared.. feeling ko.. feeling ko nag-bablush ako!

J: Grace..
G: huh?

Teka, napakalapit na ng mukha niya sakin.. bakit parang mas lumalapit pa..?

J: Grace, i think— i think i’m—
G: *stare*

Anong sasabihin niya? Teka, ngayon lang ako kinabahan ng ganito! Parang mas kinakabahan pa ako sa situation ko ngayon kesa sa feeling ng sumasakay sa Roller Coaster na may madaming loops at sa bahay na puno ng suspicious looking specie na biglang nanghihipo ng braso at legs! Oh noes... feeling ko nagbublush ako. Ano ba sasabihin sakin ni Jared? Yung puso ko, biglang bumilis yung tibok. Sasabihin na ba niya sakin yung 3 magical words na "I LOVE YOU"?

J: I think I-m – WOAH!
G: WOAH!

At isa pang "Woah"! Biglang umandar yung ferris wheel! Pareho kaming nagulat doon. Bigla nagkahiwalay dahil naalog yung nasakyan naming Ferris Wheel. Teka, anong sasabihin ni Jared?!

G: Jared? Ahm, may sinasabi ka kanina? A—ano yun?
J: oh, ahm.. hehe. I think i’m—
G: you're...?
J: i’m getting dizzy.
G: di—dizzy?
J: *nods* kanina pa kasi tayo nasa taas eh. Kaya medyo nahihilo na ako.
G: oh..

Akala ko pa naman.. hai.. sabi ko na eh, imposible talaga. Kung ano ano na lang talagang kawirduhan ang iniisip mo Grace! Maghunosdili ka nga O_O

J: but i think im ok naman.

G: buti naman... ayoko kasing magbitbit ng lalaking amoy suka :))
J: HAHA! Don’t worry, that won’t happen :))
G & J: HAHAHA :))

Pero bakit feeling ko, hindi talaga yun yung gusto niyang sabihin. Kanina habang nakatitig siya sakin, nakikita ko sa mga mata niya... na may iba pa.. na may iba pa siyang gustong sabihin sakin.. OK GRACE, WAKE UP! Ambisyosa amf~ malamang hindi yung iniisip mo yung sasabihin niya sayo! Naku. Nahihibang ka na~! shemay, nakakawindang na X_X

J: gutom ka na ba?
G: medyo X_X
J: tara, kain na tayo ng dinner. =)
G: ok :)

Medyo late na pala. Di ko napansin dahil sa excitement na nafeel ko today. Gustuhin ko man mapanood yung fireworks (meron daw kasi pag midnight) eh di na namin nagawa. Kinakailangan na naming umuwi ni Jared. May make-up class pa pala kami bukas! Oh noes! Sabado na sabado, may pasok pa kami. Haiii. Jologs talaga ng school namin. Sinong hudas ba kasing nagpa-uso ng "Make-up" class na yan? Make-up-in ko mukha nila eh :|

J: hatid na kita
G: ok :)

So yea, he decided na ihatid ako sa amin since masyado ng late. Medyo pagod na rin kami nung makarating kami sa kotse niya. Grabe, ikutin mo ba naman yung buong park?! Pero enjoy naman ^_^

J: did you enjoy?
G: oo naman no! ^^ ang saya sa Roller Coaster! Lalo na sa Ferris Wheel! Alam mo ba, favorite ko na rin yun? Kasi kapag nakasakay ako doon, feeling ko napakalapit ko sa sky. Feeling ko, abot na abot ko yung mga stars!
J: talaga? Haha pareho na pala tayo ng favorite
G: yup! Yun lang yung gusto kong Ferris Wheel. Kahit saang amusement park niyo pa ako dalhin, mapa Disneyland pa yan, yung Ferris Wheel sa pinagdalhan mo sakin sa amusement park pa rin yung the best!
J: haha talaga!
G: thank you Jared
J: you’re weolcome =)

And then he showed me his sweetest smile. Seriously, if smiling could kill people, marami na siyang napatay. Ang ganda ng smile niya eh. Nakakatunaw.

Grabe din tong araw na to. Ang daming nangyari. Parang kaninang umaga lang, sobrang lungkot ko. Takot na takot. Pero ngayon, sobrang saya ko na. Weird ko no? Hahaha

G: ahm Jared..
J: yes?
G: thank you pala kanina ha? Nung sinave mo ako doon sa manong
J: sus, wala yun! Tandaan mo, lagi akong nandyan sa tabi mo para protektahan kita. Prinsesa kita eh :)
G: ahm.. hehe ^^ at ayun, thank you din kasi napasaya mo ako :)
J: effective ba?
G: *nods*
J: buti naman :)

Ooohkaaaay. Ang tahimik na naman namin. Ewan ko ba. Basta pag tahimik yung paligid ko medyo naiilang ako. T_T

J: care to open the radio?
G: oh! Haha, ahm, sige sige =)

Buti na lang binuksan niya yung radio. Medyo hindi na nakakailang. Classical music. Medyo nakaka-antok yung kanta. Para akong hinehele.

J: ahm, Grace..?
G: hmm..?
J: yung sa ferris wheel kanina.. ahm..
G: hmm..?
J: sorry kung bigla kitang niyakap kanina..
G: hmm..
J: ahm.. Grace, yung tungkol doon sa sasabihin ko sayo sana kanina sa may ferris wheel.. ahm..
G: hmm..
J: i—i think i’m—
G: hmm..?
J: Grace, i think i’m in love with you.
G: hmm..
J: Grace- i love you.
G: hmm..



Tama ba ang narinig ko? Si Jared... mahal ako??? Teka, bakit biglang nawawala si Jared sa paningin ko? Jared? Nasaan ka na? Diba sabi mo mahal mo ako? Bakit nawawala ka? Teka, lumalabo na yata mata ko. Jared? Ah hindi, baka may pinuntahan lang... ferris wheel? Bakit may ferris wheel dito? Huh? May tumatawag sakin sa may ferris wheel..

Halika, sakay tayo!

G: Jared, ikaw ba yan???

Dali! Baka umandar na yung ferris wheel!

Yung ferris wheel, hinihintay kami ni Jared. Saksi nito yung masayang gabi na kasama si Jared.. at muli kaming tinatawag ng Ferris Wheel ni Jared..

G: te- teka! Hintay lang!

Dali!!

Teka, bakit nagmamadali si Jared? Excited masyado? Tumakbo ako ng mabilis. Mabilis na mabilis. Parang napakalayo masyado ng ferris wheel sakin. Kahit gaano kabilis ang takbo ko, hindi ko ito matunton.

Grace, dalian mo! Aandar na!

G: o- oo! Ito na ako! Malapit na!

Hingal. Hingal. Hingal. Sa wakas, narating ko din ang Ferris Wheel namin ni Jared.

G: Ja- Jared pasensya na at nata—

HI!!!!

A- ANONG GINAGAWA NIYA DITO?!

G: Ke—KEN!



Grace...

Hindi ba si Jared yung tumatawag sakin?

Grace-

Bakit si Ken yung nakita ko? Bakit siya nandoon? Bakit alam niya yung Ferris Wheel namin ni Jared???

Grace..

Ngayon hindi ko sigurado kung tama nga ba ang rinig ko. Mahal ako? Sino? Saan? Akala ko si Jared ang nagsabi. Bakit si Ken yung nakikita ko? Anong nangyayari?????

Grace, are you ok?

G: huh? *pumupungas pungas*
J: are you ok?
G: Ja- Jared?! *lingon sa paligid*

Naku! Panaginip lang pala yun! Akala ko totoo na... sabi ko na nga ba eh. Sa panaginip ko lang talaga maririnig yun. Sa panaginip ko lang maririnig ang salitang "I love you" kung saan yung YOU eh si AKO. Hangang panaginip lang pala...

J: seems like my princess is having a dream =)
G: uh—oh, yea. I had a dream. A NIGHTMARE!

A very nice dream... yeah. Whatever.

J: really? Can you tell me what was your dream?
G: sorry, it’s private :)

Private dahil involved ka doon! Tengene nemen eh. Nakakaloka na nga yung nangyari samin kanina, nadugtungan pa ng nakakalokang panaginip.

J: Ok ok di kita pipilitin then :P well, we’re here.

G: wow, ang bilis ng byahe ah!

Parang kanina lang nung huling tingin ko, yung makulay na amusement park yung nasa harap ko. Sa isang iglap, biglang yung boarding house na yung nakikita ko. Ang bilis yata ng byahe.

J: yup. Mas mabilis kasi nakatulog ka :))
G: oopsie, sorry! X_X
J: it’s ok =) well, sige pumasok ka na ng makatulog ka na. You still have a class tomorrow right?
G: oo nga eh. Sige sige, una na ako. goodnight Jared =)
J: ok, goodnight princes.. see you :)
G: yup ^^ ingat ka sa byahe!
J: yes, i will :)

Safe akong nakauwi sa dorm ko. Thanks to Jared. I was so tired, yet very happy. Pinasaya niya talaga ako! Gusto kong balik-balikan yung nangyari samin sa Ferris Wheel. Napakasaya ko talaga today =) Sana totoo na lang yung nasa panaginip ko kanina. Nakakapanlumo naman kasi isipin na panaginip lang pala yun. Na HANGANG sa panaginip lang ako. Pero at least kahit panaginip lang yun eh nangyari yun diba? Hangang panaginip nga lang ako. XD

*yawn* hai grabe inaantok na ako. Sobrang dami talagang nangyari sa araw na to. Ang sarap humiga sa kama!

Teka asan na ba yung cellphone ko? Makapag-alarm nga at baka di ako magising ng maaga nito bukas eeeh :|

Sa sobrang pagod ko eh tinatamad talaga akong kumilos X_X nasaan na ba yung bag ko? *hinahalungkat ang bag* pahirap na cellphone, ayaw magpakuha sakin T_T *may nakapa* teka, ano to? Bakit may papel?

G: DARN. ANONG GINAWA NITO SA BAG KO?

Picture ni Ken ang nadukot ko imbes na yung cellphone ko. AH! Oo nga pala, kinuha ko pala to kanina habang naglilinis ako sa bahay niya. Naku naman. Naalala ko na naman tuloy yung mga sinabi niya sakin kanina.

Quote
Pikon na, masungit pa! Kaya nga walang nagkakagusto sayo eh. Eh kasi naman, pangit ka na, bingi na, bulag pa! Tanga na masungit na pikon pa! Haiiiii lahat na yata ng kapangitan at kapintasan nasa sayo na eh.

GAAAAH! Sa sobrang inis ko eh hinagis ko yung pictures sa pader. Ampotek naman kasi! Biglang nag-flashback yung mga nangyari kanina. Nakakainis ka talaga KEN ONG! I HATE YOU!!!!!!! Hai naku. Kung hindi lang dahil sa lintik na contract na yan, hindi sana nagkaganito buhay ko!

At ewan ko kung bakit. Sinapian yata ako ng masamang kaluluwa o nababaliw na yata ako. Pero pinulot ko ulit yung picture niya na nahulog sa sahig tapos tinitigan ko siya ng konti.


Infairness ha...



Matagal-tagal ko na ding hindi napapanaginipan si Ken.

0 comments:

Post a Comment