Mag-iisang linggo na ang nakalipas, pero hindi pa din ako maka-get over sa nangyari nung Sunday.. parang ang fresh pa sakin ng mga pangyayari. Ewan ko ba, nababaliw na ako. Isang linggo ng paulit-ulit na nagrerewind sa utak ko yung nangyari saming dalawa, yung mga bawat salitang sinabi niya, at yung naramdaman ko nung oras na iyon. Hangang ngayon, hindi pa din nagbabago. Parang, kinikilig pa din ako. Ewan. Ang lakas sakin ng impact eh. Pero sa kaniya, mukhang parang wala lang nangyari. Hai..
K: hoi amazona.
G: ow.
Speaking of the devil.. dumating na siya. Ano ba yan, kung kelang gulong gulo ako, saka pa sumusulpot!
K: balita ko, half day tayo bukas ah. Punta ka ha. Sa Wednesday na kasi uwi nina Ate at Mommy. Eh may iba pang gamit sa kwarto ni Ate na hindi ko pa nailalabas so magpapatulong sana ako.
G: Ok..
Wala. Umo-oo na lang agad ako. Ayoko na kasi makipag-talo pa sa kaniya. Pag humindi naman kasi ako, baka awayin lang ako. At.. wala din talaga ako ngayon sa mood para makipag-gyera sa kaniya.
TUESDAY. Maaga pa lang nasa bahay na ako ni Ken. Mabuti na yun ng hindi niya ako masigawan. Wala siya sa loob. Hinanap ko siya sa terrace, nagbabakasakaling makita ko siya doon.
Shoot. Nasa garden nga siya. Nagyoyosi si mokong. Nilapitan ko nga. Ano kaya magiging reaction niya pag ginulat ko siya? Mukhang nag-eemo eh.. hihi :>
G: BOO! *poke*
K: ASDFGH!
G: fwaha! Itsura mo!
K: bakit ba nangugulat ka na lang? Alam mo yung katok? Kakabwiset ka talaga. At anong meron sa itsura ko? Oo, pogi ako. Eh ikaw, anong meron sa itsura mo?
G: grabe. Ginulat lang kita, ang dami mo nga sinabi. Oo na sige na, ikaw na ang pogi, ako na ang pangit. Masaya ka na?
K: syempre. Buti alam mo. B) anyway. Ibili mo pala ako sa grocery ng mga kelangan ko for tomorrow. Nasa may table yung listahan.
G: Kita mo to, kakadating ko lang, pinapaalis na agad ako. Alam mo yung salitang pahinga?
K: eh alanganamang ako pa bumili? Hindi pa kaya ako naliligo.. at istura ko naman no!
G: itsura mo? DUGYOT. Eww.
Pagkasabi ko nun, tinalikuran ko na siya. Baka kasi kung ano pang sabihin nun eh. Alam niyo yung ingay? Siya yun eh. Haha. Naka-sando lang at old shorts costume niya ngayon. In short, damit pambahay lang siya ngayon. Pero ewan ko ba, kahit naka-sando lang siya, ang hot pa din niya. AY EWAN. NABABALIW NA AKO @_@
Buti na lang at katapat lang ng bahay nila yung grocery. Wala pang 30 minutes, tapos na ako sa pinamili ko. Foods, ingredients, Salsa, Cold cuts.. halos lahat ng pinabili niya eh preparations niya for tomorrow. Mukhang may fyesta bukas sa kanila ah ;)
Pabalik na ako ng napansin kong parang may naka-park na kotse sa labas. May bisita si Ken?
G: Ken, tapos ko na yun—OOPS.
“aba Ken, BINATA KA NA! Naguuwi ka na ngayon ng babae sa bahay!”
Hala. Ang gandang babae naman nun. SINO NAMAN KAYA YUN?! Girlfriend niya?
KEN`S POV
Ay naku, ang tagal naman ni Grace. Tapat lang naman ng bahay namin yung grocery ah. Tss. Maka-isang stick nga muna.
KEEEEN!!!
WOAH. Sino yun? Parang familiar yung boses na yun ah. Pero alam kong hindi galing kay Grace yung boses na yun eh.
KEN!
OMG! Si.. Si Ate Sam! BAKIT NANDITO NA SIYA?!
K: Ate Sam?!
Sam: KEN! I MISS YOU!
Omg, si Ate Sam nga! Grabe, damang dama ko pgkakasabi niyang yun ah. Tinadtaran ako ng halik sa cheeks ko.
K: eh Ate, akala ko bukas pa uwi niyo?!
S: nope. Sinadya talaga namin ni mommy yun para masurprise ka :P
K: si mommy? Nasan si mom?
S: wait tatawagin ko lang *sigaw* MOOOM!!!
Mom: Ken, anak! *hug*
K: mom!
Si Mommy! Grabe, miss na miss ko na si Mom, BIGTIME! Superhug agad ako sa kaniya pagkakita ko. Selos si Ate, hindi ko kasi siya hinug nung nagkita kami kanina
S: babe! You missed me?
K: Ate, please stop calling me ‘babe’. Malaki na ako at hindi na ako baby!
S: ayuko nga, babe :P you know naman that you’re my baby forever eh.
Naku naman si Ate o.. hindi pa nagbabago. Hanggang ngayon, ‘babe’ pa din tawag sakin. Ano na lang iisipin ng mga fans ko kung narinig nila yun? Isa pa naman yun sa darkest secrets ko...
G: Ken, tapos ko na yun—OOPS.
CRAP. Sinasabi ko na nga ba eh. I can sense a trouble here! Ted Hannah, SAVE ME!
S: aba Ken, BINATA KA NA! Naguuwi ka na ngayon ng babae sa bahay!
K: ATE NO! Hindi ko siya babae! Classmate ko lang yan! at excuse me Ate.. lalaki yan at hindi babae >:)
G: uhh.. excuse me po.. sige po, alis na po muna ako. Pasensya na po sa istorbo..
M: no iha, come and join us. Friend ka pala ng anak ko. We will be having our lunch now. Sumabay ka na Samin.
CRAP PART 2.
G: a—anak? Ka—kayo po mommy ni Ken?
M: yes iha. Kakauwi lang namin ngayon kaya pasensya ka na rin kung nabigla ka namin.
G: hello po Mrs. Ong. Nice meeting you po
S: and i am her big sis! I am Samantha but you can call me Sam! Nice meeting you :]
G: he—hello po Ate Sam *stare*
Wow nice. And friends na sila ngayon ni Ate Sam. DOUBLE TROUBLE, GAD. PLEASE, SOMEONE SAVE ME. Ang dalawang babaeng amazona, ngayon eh magkaibigan na. Ano na lang gagawin ko kung nagkaroon ng kaguluhan dito?
S: babe ha? Naguuwi ka na ngayon ng girls sa bahay pag wala kami huh? Hahaha! Binata ka na talaga!
OH MAN. Napagkamalan pa niyang “one of my girls” tong si Grace.. and for Pete`s sake, she called me ‘babe’ again! hai..
K: ATE?! HINDI NA NGA KASI AKO BABY ANG KULIT MO NAMAN EH!!! AT HINDI AKO NAGUUWI NG BABAE!
S: hmmm~
K: sfghjklasd
M: anak, tayo na at mag-lunch na tayo. Pagod kami galing sa byahe at hindi pa kami nakakapag-lunch. And Grace, sumabay ka na sa amin ok? I don`t accept “NO” as an answer
G: o—ok po T_T
And nice, lunch with my family.. KASAMA SI GRACE. Ted Hannah, pinaglalaruan mo ba ako? Parang ang weird eh. Ang dating kasi, parang GF ko si Grace, at pinakilala ko na siya sa family ko. WOW. And... first time kong mag-lunch with my family na may kasamang girl. Well, aside from Lea.. But the difference is, MAHAL ko yung kasama ko nung dinner na yun. Pero yung ngayon, NONE. WALA. As in NOTHING. I hope this day would end without getting any trouble with this two uh.. amazonas. :|
GRACE`S POV
Oh wow nice. Lunch with Ken`s Family. Ano ako, girlfriend? Wish ko lang! Este.. WISH NIYA LANG! Pero uhh.. ang gaganda ng lahi nila. Namesmerize ako sa kay Ate Sam. Ong gondo boboee O_O ganun din yung mommy niya. Maganda din. Kamukha nga ni Ken eh. Oo na sige na aminado na akong pogi si Ken, pero hindi ko yun sasabihin sa kaniya 8D
K: Mom. Ako na po magluluto ng lunch natin today.
S: wushu totoo ba yan? Marunong ka ng magluto babe?
K: grrr. Duh. Oo naman noh. Natuto na akong maging independent no!
G: independent daw.. sus!
S: hahahaha! Aba, kumokontra si Grace oh =))
K: wag mo pansinin yan. Inggit lang yan kasi marunong ako magluto hindi tulad niya.
G: he, yabang!
Kung wala lang siguro mga magulang niya dito, nakaltukan ko na to. BADTRIP!
M: o, tama na yan. Mamaya na kayo magusap at mahaba-haba naman ang oras. Sam, ayusin mo na gamit mo.
S: yes mom
G: ako na po magdadala ng gamit niyo po Mrs. Ong. Pagod na pagod na po kasi kayo. *gets her things*
M: ay naku iha, wag na. Yaan mo ng si Kuya Dan na magdala niyan sa taas. Hindi ka dapat nagbubuhat ng gamit dahil bisita ka rin dito.
G: ah. Ehe.. opo xD
Naku.. kung hindi niyo lang po alam.. hindi bisita trato sakin ni Ken dito! Hmf x|
M: at nga pala iha, wag na Mrs. Ong itawag mo sa akin. You can call me Tita Anna.
G: po? O—opo Mrs. Este, Tita Anna x_X
M: haha dibale, masasanay ka din :)
Wow. Asenso. Tita na tawag ko sa mommy ni Ken. Feeling close na ako sa family nila haha @_@ sinamahan ko muna saglit si.. uhm.. Tita—habang hinihintay ko sina Ate Sam at Ken. Pero hindi din nagtagal, tinawag agad ako ni Ken.
K: Grace, tulungan mo ako sa kitchen mag-handa!
G: oo susunod na! *bumaling kay Mrs. Ong* sige po Tita, iwan ko na muna po kayo. Tutulungan ko lang po si Ken sa paghahanda.
M: ok sige iha, tulungan mo na muna si Ken at baka magkalat lang yun doon.
G: sige po :]
Caldereta niluto ni Ken. Favorite daw kasi iyon ng mommy niya. After ko siyang tulungan mag-prepare eh tumambay muna ako sa room sa taas. Nakakahiya naman kasing sumabay sa kanila kumain.. haha.
KEN`S POV
Cooked Caldereta. Fave kasi ni Mommy yun. After preparing all the stuff, tinawag ko na sila ni Ate to eat na. I`m sure, they missed Filipino dishes, lalo na si Mommy.
K: mom, sis, lunch`s ready!
S: nice, marunong na nga talagang magluto baby ko!
K: Ofcourse! Ako pa! B)
M: o anak, nasaan na si Grace?
K: Nasa kwarto. Mauna na daw po tayong kumain.
S: eh bakit naman daw?
K: ang dungis na daw kasi niya. Nakakahiya naman daw sa inyo.
S: what? Teka, pupuntahan ko lang siya. Dapat sumabay na siyang kumain satin.
K: wag na, pabayaan mo na yun. Baka mawalan lang ako ng gana kumain. Ang dugyot na kasi niya noh.
M: KEN! Watch your mouth!
K: so- sorri T_T
Si Ate talaga oh. Nakakaines. Balak pang isabay si Grace.. ako pa ngayon tuloy napagalitan ni Mommy. HMF!
M: KENETH ONG! Wag kang magsasabi ng mga ganyan ha. Hindi nakakatuwang marinig yan lalo na sa isang babae mo pa sasabihin yan. Do you understand?
K: sus. *bulong sa sarili* hindi naman babae yun eh.. tsp. Sanay na yun. Totoo naman sinasabi ko eh.
M: KEN?
Hindi ko pala nasabi sa inyo, like Mother, like Daughter. So kung ano si Ate.. iyon ay dahil may pinagmahanan siya. Sometimes, nagiging amazona din Mommy ko. :|
K: YES MOOOM. Ok na? Kain na tayo please? Gutom na ako eh.
M: NO! We will not start hangga’t wala pa sila dito. Sabay sabay tayong kakain.
K: mom talaga oh.. gutom na ako eh x_X
M: *pinanlakihan ng mata*
K: ok ok mausunod po. Kayo talaga... ilang buwan na tayong hindi nagkikita, hindi pa rin kayo nagbabago.
Si Mommy talaga oh.. nagugutom na ako eh. Naudlot pa. Naku itong si Grace talaga, puro perwisyo ang dulot sakin! MABILAUKAN SANA SIYA MAMAYA! >:)
GRACE`S POV
Kruuuu~~~
Naku wrong timing naman tong mga alaga ko oh.. ngayon pa nagutom. Huhu. Kelangan ko pang mag-tiis ng ilang oras bago ko pakainin mga alaga ko. Hindi ako pwedeng sumabay sa kanila kumain eh.. nakakahiya. T_T
TOK TOK TOK
S: Grace, you there?
G: Ay Ate Sam, kayo pala yan
S: o, bakit hindi ka pa bumaba? Halika na at sumabay ka na samin kumain!
G:uhmm eh ano po.. susunod na lang po ako.
S: ha? Bakit naman?
G: Eh kasi po.. *tingin sa damit*
S: hay naku, yan lang ba pinoproblema mo?
G: eh.. kasi po nakakahiya naman po sa inyo..
S: halika, sumunod ka sakin *hinatak si Grace*
G: sa—saan po tayo pupunta??
S: basta, halika dito!
Hala, bigla na lang akong hinatak ni Ate Sam~! O_O saan naman kaya niya ako dadalhin.. at anong binabalak niyang gawin sakin?! O_O OHNOES~~~
S: hmm, ano kayang bagay sayo dito *tinignan mga damit*
Uh.. so dito niya ako dinala: SA ROOM NIYA. Grabe lang sa wow ang dami ng damit niya. Ang gaganda lahat. At ang dami niyang sapatos. Feeling ko tuloy, artista tong si Ate Sam eh. Hahaha.
G: ano pong gagawin niyo sakin?
S: jan ka lang at maghintay. Akong bahala sayo. B)
G: eh? *naguguluhan*
S: ayan! May nakita na akong damit! *sinukat kay Grace* ayan sakto! Bagay sayo!
G: po? Anong gagawin ko po dito?
Biglang inabot sa akin ni Ate Sam yung damit. Uh oh... mukhang kinukutuban ako sa mangyayari ah. Uhh—
S: nandoon yung cr sa left side ng door. Isuot mo yan.
G: eh? Para saan po?
S: basta, isuot mo na yan! o gusto mo ako pa maghuhubad sayo?
G: eh?
S: akin na nga at ako na magbibihis sayo!
Biglang lumapit sa akin si Ate Sam at inangat yung damit ko. Takteng yan ang agresibo O_O
G: wah! sige sige po magbibihis na po!
Grabe naman tong Ate ni Ken.. NAKAKATAKOT! O_O so wala akong nagawa kundi sumunod sa kaniya.. Eh kesa naman sa hubaran niya ako. haigoo~
So after kong magbihis, dahan dahan akong lumabas ng CR. Err—nakakailang na nakakahiya!
G: uh—ate Sam..?
Ok Grace, ihanda mo na sarili mo sa kahihiyan. In 1.. 2.. 3.. *nakalabas na ng CR*
S: wooow! It looks so perfect! Ayan hindi ka na madungis. Siguro naman pwede ka ng sumabay samin kumain niyan :P
G: EH?! yun po ba ang dahilan kung bakit niyo po ako pnagbihis nito? O_O
S: siyepmre. Para wala ka ng idadahilan sakin pag niyaya na kitang sumabay kumain samin :]]
G: eh?!
woah, grabe tong si Ate Sam ah... NATATAKOT NA TALAGA AKO SA KANIYA! :-s parang.. parang i wanna escape na from here? Like now na? :-s
S: so, tara na?
G: ehh...
S: bakit? Ano pang kulang?
G: eh kasi po hindi—
S: Aha! May kulang pa sayo! Teka, umupo ka dito sa tapat ng drawer!
Oh nooo~ NOT AGAIN! Ano na naman balak sakin ni Ate Sam? Bigla na lang niya akong hinatak paupo sa drawer niya. HUHU. PLEASE, SOMEBODY SAVE ME~!
G: a- Ate? Anong gagawin niyo po ulit sakin?!
S: basta umupo ka jan! *pumunta sa mga gamit* teka.. nasaan na ba yung... *kalikot ng bag* nasaan nasaan nasaan... SHOOT!
G: wah~ Ate anong binabalak niyo sakin? Huu--
S: ito! Nakita ko na yung hinahanap ko.. my make-up kit!
DID I HEARD IT RIGHT? MAKE UP? AS IN MAKE UP?!?! WAH OH NOES!Nakita ko na lang na may nilabas na brush si Ate Sam sa kit niya. NOOOOOO~
G: teka Ate! WAG AYOKO!! AYOKO NG MAKE-UP!!
S: ha? At bakit naman? Memake-upan kita para gumanda ka!
G: eh Ate wag na po! Lalo lang po akong pumapanget pag minemake-upan eh :(
S: sus, kaya nga may make-up kasi para gumanda ka eh. Akong bahala sayo. Just sit back and relax B-)
G: *tatayo na sa upuan* wah~
S: umupo ka lang!
G: huhuhu :((
Wala.. hindi na talaga ako nakatakas kay Ate Sam. Kulang na lang itali na din niya ako sa upuan. Feeling ko ako si Barbie.. si Barbie na napaglalaruan. HUHU!
AFTER 15 MINUTES
S: tada! LOOK! You’re so pretty na!
G: *nakapikit* ayukong tumingin huhu
S: hay naku, pano mo makikita kung hindi mo titignan? Open your eyes and look how pretty you are now
Nakapikit man o nakabukas ang mata ko, wala naman magbabago sa mukha ko eh. Pangit pa din ako kahit may make— O_O
S: see! I told you, you are so beautifull!
G: a—ako?
A—ako ba toh?! Wa—wala akong masabi..
S: yes, THAT’S YOU!
G: ...
Ako? Ako ba tong nakikita ko sa harap ng salamin? Ako ba talaga to? For the first time.. parang gusto kong sabihin sa sarili ko na “Ang ganda ko”..
S: teka, tara picture tayong dalawa para may remembrance ako sayo!
G: *still in shock mode*
S: tara Grace, picture tayo!
G: eh--!
Wah~ bigla na naman akong hinatak ni Ate. Grabe.. hindi pa din ako maka-get over sa pangyayari.. AKO BA TALAGA TO?!
S:ok, 1, 2, 3 SMILE!
*CLICK*
S: teka, pipicturan kita ng solo mo ha? Para pag naitayo na yung shop ko sa states, ilalagay ko sa poster yung pic mo. “My FIRST ever model” :P
G: waaah~ :/
S: o dali pose ka na!
G: o—ok x_X
Teka pose? POSE?! Anong pose gagawin ko? Uhh.. err.. eeeh...
S: 1, 2, 3 SMILE!!!!
NAKU KAHIT ANONG POSE NA LANG BAHALA NA! >_<
After akong gawing “Barbie” ni Ate Sam, sabay na kaming pumanhik sa baba. Hai.. grabe tong araw to. TORTURE. T_T though.. medyo masaya naman ako dahil sa ginawa sa akin ni Ate Sam. I think, ito lang yung magandang nangyari sa araw na ito. Haha.
S: sorry guys at medyo natagalan :P medyo nahirapan kasi ako dito sa isang to eh.
K: hindi mo na lang kasi sana siya pinilit. Mawawalan lang tayo ng gana niyan kumain niyan eh.
S: na-ah. Baka bawiin mo din yang sinabi mo babe :P
K: err—whatever.
M: halina kayo dito Sam ng makakain na tayo. Laway na laway na itong si Ken sa pagkain.
S: syempre naman po mommy noh, sariling luto niya iyan eh
*tawanan ang lahat*
S: ok, guys look at here! I am presenting you.. Grace!
Ah ok so ito na papasok na ako sa eksena. So hello kahihiyan. Hello panlalait. HELLO TORTURE-FROM-KEN. Ihahanda ko na sarili ko sa mga madugong “panlalait” niya sakin. HMF.
M: wow iha, ikaw ba yung kanina lang na nakausap ko sa may sala? You look so wonderfull!
G: uhh.. pasensya na po.. si Ate Sam po kasi eh..
S: ano ka ba Grace, dapat nga magpasalamat ka sakin dahil naging “star” ka dito sa bahay instead na ako eh haha! Dba Ken?
K: *tulala*
S: kita mo na, kahit si Ken, napatulala sa ganda mo!
G: po? Wah~ *namumula*
Wah baket ganyan makatingin tong Ken na to? Medyo naiilang ako. err. Uhh. ERR.
M: anak, tulala ka na jan.
K: *tulala*
M: err, Ken?
S: KEN HUI!
K: *nagulat* OH!
S: natulala ka na kay Grace. Naiinlab ka na ba?
K: what? NO! Hindi ako natutulala sa kaniya! gutom lang ako!
S: haha ok sige sige, tara na at kumain na tayo!
Finally, makakakain na rin! Siguro hindi ko na lang papansinin itong si Ken para hindi ako mailang. Haits. Ang hirap talaga kumilos kapag hindi ka kumportable sa suot mo.. isama mo pa na kaharap mo yung taong AYAW MO. Argh T_T
K:Woah. Bakit parang iba si Grace ngayon.. damit lang naman ang nagiba at nalagyan lang naman siya ng make-up ah.. bakit parang iba siya ngayon? Parang.. parang... parang ang ganda niya ngayon..
Bakit ba panay tingin ng tingin sakin tong mokong na toh?! siguro, panget na panget siya sakin ngayon. NAKU PATAY NANAMAN AKO SA KANIYA! Lalaitin na naman ako nito bukas! hai.. -___-
M: so iho, musta naman ang studies mo?
K: well as usual, wala pa akong bagsak. And yes, habulin pa rin ako ng chicks B)
S: o? Aba Grace ang swerte mo pala! Nabihag mo tong kapatid ko!
G: eh? po? Hindi po! Nagkakamali po kayo ng iniisip!
K: hello Ate, sa gwapo kong ito? Mabibihag sa tulad niya? NO WAY!
M: grabe ka naman iho. Eh kay ganda nitong si Grace eh.
S: oo nga naman. Diba namesmerize ka nga sa sobrang ganda niya kanina? Kaya ka nga napatulala eh :]]
K: DUH ATE!
G: huhuhuhu save meeee
K: err.
Ano ba to.. sana pala kanina pa ako umuwi para hindi na ako napunta sa sitwasyon na toh! Huhu! Ano ba tong si Ken, baket ba tingin ng tingin sakin to? Kanina pa to eh.. sarap dukutin nung mata niya!
G: *pabulong* wag mo nga akong tignan!
K: feeling mo naman gandang ganda ako sayo kaya kita tinitignan?!
G: basta, wag kang tumingin dito! Kanina ka pa eh!
K: :P
G: *inirapan*
Hai naku.. sabi ko na nga ba eh.. nang-aasar lang toh :[[
After 1 hour, natapos din ang lunch. Nagusap-usap muna kami sa may Sala nila. Mabait ang mommy at ate ni Ken. Hindi ako ilang na makipag-usap sa kanila. Pero medyo takot ako kay Ate Sam.. lagi niya kasi akong kinukulit kay Ken >_< inabot kami ng gabi sa pag-uusap. Napasarap kasi hehe.
M: o iho, ihatid mo na itong si Grace. Gabi na rin masyado. Delikado kung uuwi pa siya mag-isa sa kanila.
K: eh, sino naman magtatangka ng masama sa kaniya?!
M: KEN!
K: ok opo opo opo masusunod po.
Pumanhik ako ng room para kunin mga gamit ko. Pagka-akyat ko, naabutan kong nag-aayos ng gamit si Ate Sam.
G: Ate, sori po talaga sa abala.
S: sus, wala yun!
G: salamat po pala ha...
S: walang anuman yun! Alam mo kasi, matagal ko ng pinangarap na gawin yun. Wala kasi akong kapatid na babae eh kaya sobrang excited ko nung inayusan kita kanina :) Punta ka ulit dito ha? Papagandahin ulit kita! Ung tipong hindi na makakatulog si Ken dahil sayo
G: hehe.. naku, hindi po mangyayari yun XD *checks time* naku po, una na po ako sa inyo! Late na din po kasi..
S: ay, oo nga pala ano? Naku, pasensya ka na.. lalo na sa kapatid ko pagpasensyahan mo na.
G: naku, sanay na po ako sa ugali niya xD
S: alam mo, bilang lang ang mga taong nakakatiis sa ugaling yun ni Ken. At isa ka na doon. Kaya nga tuwang tuwa kami ni Mommy sayo eh.
G: ah.. eh.. hehe..
Naku Ate Sam, kung alam mo lang.. kung alam mo lang kung gaano ko kagustong IWASAN, HIWALAYAN at HINDI MAKASAMA SI KEN, nakuuu. Naku lang talaga! Lintek kasi yung contract eh! Hmf!
S: O tara na, ihahatid na kita sa baba
Pagkababa ko, naabutan ko si Ken na nag-aabang sa akin. Nakasimangot na naman.. as usual :|
K: sumakay ka na
G: ha? Bakit?
K: ihahatid kita. UTOS NI MOMMY.
G: ah. Ok. =|
S: bye Grace! Ingat ka =)
M: ingat ka iha sa paguwi
G: sige po una na po ako sa inyo.. byebye po!
K: pumasok ka na sa kotse! Tagal naman!
G: oo na!
Tss. Sunget talaga!
Nang nakaalis na kami, binuksan ko ang bintana at kumaway muli sa kanila. Kahit ngayon ko lang sila nakilala at nakausap, parang namiss ko na agad sina Ate Sam at Tita Anna. Feeling ko talaga, welcome na welcome ako sa pamilya nila. Habang papalayo ang kotse, nakatingin pa din ako sa kanila. Nakita ko na kunakaway pa din sila, hanggang sa tuluyan na kaming nakalayo.
So ok, habang nasa byahe kami, hindi ako kinakausap ni Ken. Problema nun? Wala naman akong ginawang mali sa kaniya. Nakakailang. Nabibingi ako sa sobrang katahimikan. Tunog lang ng makina ng kotse at aircon yung naririnig ko. Err. Baka naman gusto mong buksan ko yung radyo para sayo? Tss.
K: close na kayo ni Ate ah.
Ay, marunong pala siya magsalita. :|
G: haha. Bakit ganun? Si Ate Sam, mabait.
K: so anong point mo? Ako masama?
G: wala akong sinasabi. Ikaw lang nag-imply niyan
K: tss. Inayusan ka lang, akala mo na kung sino.
G: teka, may sinasabi ba ako? Bakit binabalik mo na naman yang topic na yan? Wag na nga nating pagusapan yan. Nakakahiya!
K: sus nahiya daw. Feel na feel mo nga yung damit ni Ate eh
G: *pout* hindi kaya!
K: sus. Gumanda ka lang kanina, akala mo na kung sino.
G: wala naman akong sinasabi na maganda ako ah! Teka.. so ibig sabihin nagandahan ka sakin kanina?
K: *coughs* ha? Ano kamo? Ikaw? Maganda? Ha? What are you talking about Ms. Aguirre?
G: *pout* wala. Kalimutan mo na yung sinabi ko. *pout*
Err. Akala ko pa naman nagandahan siya sakin kanina. Maling akala lang pala. Wag ka na kasi magexpect Grace na mangyayari yun. Wag na.
Hindi na ulit nagsalita si Ken. Tahimik na naman kami. Hindi pa din niya ako kinakausap hanggang sa nakarating na kami sa bahay..
G: salamat sa hatid. Byebye.
K: ok..
Bubuksan ko na yung pinto ng bigla niya akong tinawag ulit.
K: GRACE! SANDALI! *lumabas ng kotse*
G: ano?
K: uhhm... uh... bagay sayo yung damit na yan.. *points at the dress*
G: huh? *tingin sa damit* *blush*
Tama ba yung rinig ko? Bagay daw sakin tong damit?! O nabibingi na naman ako? Maling akala ulit ba ito? At bakit ganun.. parang kinilig ako sa narinig kong yun? Feeling ko nagba-blush ako!
K: i mean, bagay sayo yung damit mo. But i am not implying na maganda ka! Sige yun lang, BYEBYE NA!
Pagkasabi niyang yun, nagmamadali siyang bumalik ng kotse niya at saka umalis. Problema nun?
Pero.. tama nga ba talaga yung narinig ko? Bagay- sakin- yung-damit-sabi-ni-Ken EHH??? O_O
0 comments:
Post a Comment